I Am Patient

Directions

I Am Patient Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from I Am Patient, Medical and health, Manila.

A group of people who only want to help outpatient, inpatient, street children, senior citizen and individual indigent people needs assistance and support to their medical needs.

ALAMIN ANG MGA PARAAN NG PAGSUPORTA SA MGA MAY CEREBRAL PALSY Detalye sa Comment Sectionhttps://www.facebook.com/share/p...
17/09/2026

ALAMIN ANG MGA PARAAN NG PAGSUPORTA SA MGA MAY CEREBRAL PALSY

Detalye sa Comment Sectionhttps://www.facebook.com/share/p/1J2XxJGdPc/

ALAMIN ANG MGA PARAAN NG PAGSUPORTA SA MGA MAY CEREBRAL PALSY

Detalye sa Comment Section

late post .. June 8-10/2026Small gift can mean so much to a child. ❤️📚✏️It warms my heart to share these school supplies...
17/09/2026

late post .. June 8-10/2026

Small gift can mean so much to a child. ❤️📚✏️
It warms my heart to share these school supplies with our Grade 2 students in Quirangay ES Camalig,Albay ..May these simple things remind you that there are people who believe in your dreams and want to see you succeed.
Keep studying, keep dreaming, and never stop believing in yourself. Your dreams are worth pursuing. ❤️..
support group 💚

20/06/2026

𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗥𝗲𝗳𝘂𝗴𝗲𝗲 𝗗𝗮𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟲

Kaisa ang PhilHealth sa paggunita ng adhikain na ito, at sa pagsulong ng karapatan ng bawat tao sa kalusugan at dignidad.

Ating kilalanin ang katatagan at tapang ng mga refugee, at pagtibayin ang ating paninindigan para sa pagmamalasakit, pagkakaisa, at pag-asa para sa lahat, anuman ang lahi, pinagmulan, o kalagayan sa buhay.

20/06/2026
20/06/2026

“𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐇𝐨𝐬𝐩𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐃𝐞𝐭𝐞𝐧𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐋𝐚𝐰” 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐩𝐨 𝐢𝐭𝐨 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐩𝐚 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟎𝟕! 🚑

Marami ang nagtatanong tungkol sa “Anti-Hospital Detention Bill” na pinag-uusapan ngayon sa Senado at importanteng linawin natin, “May umiiral nang batas tungkol dito.”

Ito ay ang Republic Act No. 9439, na ipinasa pa noong 2007 kung saan:

Hindi puwedeng ikulong o pigilan ng ospital ang isang pasyente na maaari nang ma-discharge dahil lang hindi pa nababayaran nang buo ang hospital bill.

Hindi rin puwedeng pigilan ang paglabas ng labi ng isang namayapa na pasyente dahil sa hindi pa nababayarang gastusin.

Ito ang malinaw na ipinagbabawal ng RA 9439.

Pero teka…

🤔 Ibig bang sabihin nito ay wala nang obligasyon ang pasyente o pamilya na bayaran ang utang sa ospital?

Hindi rin.

Ang utang ay nananatiling utang.

Maaaring maningil ang ospital sa pamamagitan ng mga legal na paraan gaya ng:

Promissory note;
Payment arrangement;
Demand letter;
Pagsasampa ng civil case para makolekta ang utang

Ang hindi nila maaaring gawin ay ang gawing “hostage” ang pasyente o ang labi ng namayapa dahil lamang sa hindi pa bayad ang bill.

Ito rin ang ipinakita ng Supreme Court sa kaso ng Manila Doctors Hospital vs. Chua (2006).

Sa kasong ito, may malaking hindi nabayarang hospital bill ang pasyente.

Pinahintulutan ng Korte Suprema ang ospital na magsagawa ng mga makatwirang hakbang upang mabawasan ang gastos, tulad ng pagtanggal ng mga non-essential amenities gaya ng:

TV
Aircon
Telepono
Refrigerator

Basta’t hindi nito nalalagay sa panganib ang kalusugan ng pasyente.

Ngunit nilinaw din ng Korte Suprema:

Hindi maaaring pisikal na ikulong o pigilan ng ospital ang pasyente dahil lamang sa hindi pa nababayaran ang bill;

Maaari silang humingi ng promissory note o iba pang makatwirang paraan ng pagbabayad.

Kaya mahalagang tandaan:

Ang karapatan ng ospital na maningil ay iba sa karapatan nilang pigilan ang pasyente na umuwi.

Hindi nawawala ang utang.

Pero hindi rin nawawala ang karapatan ng pasyente na makalaya kapag maaari na siyang ma-discharge.

Kung may batas na pala, bakit may bagong panukala si Sen. ?

Dahil ayon sa kanya, may mga ulat pa rin na:

May mga pasyenteng hindi agad pinapalabas kahit discharged na;

May mga labi ng yumao na hindi agad inilalabas;

May mga pamilyang napipilitang magbayad muna bago makuha ang discharge.

Kaya ang panukalang Strengthening Anti-Hospital Detention Act ay hindi gumagawa ng bagong karapatan.

Sa halip, layunin nitong:

𝐏𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐢𝐢𝐫𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐑𝐀 𝟗𝟒𝟑𝟗;

𝐃𝐚𝐠𝐝𝐚𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐮𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐥𝐮𝐦𝐚𝐥𝐚𝐛𝐚𝐠;
𝐋𝐢𝐧𝐚𝐰𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐭𝐮𝐩𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐭𝐚𝐬;

𝐒𝐢𝐠𝐮𝐫𝐮𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐨 𝐤𝐚𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐛𝐚𝐲𝐚𝐝 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐝𝐢𝐠𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐨 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐬𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞.

Kapag medically fit for discharge na ang pasyente, hindi siya maaaring pigilan ng ospital dahil lamang sa hindi pa bayad ang hospital bill.

Pero tandaan din:

Ang pagbabawal sa hospital detention ay hindi nangangahulugang nabura na ang utang. May karapatan pa rin ang ospital na kolektahin ito sa mga legal na paraan. |

📷from ABS CBN

14/06/2026


Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when I Am Patient posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share