15/07/2026
Taos-pusong pasasalamat sa aming mahal na kliyente. ❤️
To Schipperke Animal clinic - Doc. Nena Jean.
Sobrang nakakataba ng puso na makita at maramdaman ang inyong malasakit sa aming mga ahente. Sa bawat simpleng pag-aasikaso, pag-unawa, mainit na pagtanggap, at kabutihang ipinapakita ninyo sa kanila habang ginagampanan nila ang kanilang trabaho—maraming-maraming salamat po.
Bilang isang kumpanya, napakalaking bagay para sa amin na malaman na ang aming mga ahente ay hindi lamang tinuturing na mga sales representative, kundi bilang mga taong karapat-dapat ding alagaan, pahalagahan, at tratuhin nang may kabutihan.
Ang malasakit na ipinapakita ninyo sa aming mga tao ay malasakit na rin sa buong Medlovet family. ❤️
Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala, suporta, at higit sa lahat, sa inyong mabubuting puso. Hindi man namin masuklian agad ang lahat ng kabutihang ipinapakita ninyo, makakaasa po kayong lubos namin itong pinahahalagahan at hinding-hindi malilimutan.
Salamat sa mga kliyenteng hindi lang negosyo ang turing sa amin, kundi tunay na pamilya. 🫶
— Medlovet Family
Maraming beses na po ginagawa sa amin ito ni Mother Doc. Nena ika-nga kong tawagin.
Thank you Dra. 😇🥺