18/12/2025
Enjoy the holiday season!
| Alinsunod sa Memorandum Circular No. 111 na inilabas ng Office of the President, suspendido ang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan, kasama ang Manila City Hall, sa Disyembre 29, 2025 (Lunes) at Enero 2, 2026 (Biyernes).
Layunin ng suspensyon na mabigyan ng sapat na panahon ang mga kawani ng pamahalaan upang makalahok sa mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Bagong Taon at makapagbiyahe nang maayos sa iba’t ibang panig ng bansa.
Magpapatuloy naman ang operasyon ng mga ahensyang may mahahalagang serbisyo tulad ng pangkalusugan, gayundin ang mga may tungkulin sa kahandaan at pagtugon sa sakuna.
Samantala, ang suspensyon ng trabaho sa pribadong sektor ay ipauubaya sa diskresyon ng kani-kanilang pamunuan.
Pinapayuhan ang publiko na makipag-ugnayan sa kaukulang tanggapan para sa karagdagang detalye.