06/10/2026
🚨 FACT CHECK: “NAKAMAMATAY NA BAGONG SAKIT SA RUSSIA” — TOTOO BA?
May kumakalat ngayon sa social media na nagsasabing may bagong nakamamatay na sakit na natuklasan sa Russia, kumakalat na, at may mga namamatay na.
Ano ang totoong alam natin?
May laboratory worker sa Irkutsk, Russia na namatay matapos magkaroon ng malubhang pneumonia.
Dahil nagtatrabaho siya sa isang institute na nagsasaliksik ng plague, nagkaroon ng pangamba na maaaring plague ang sanhi.
Ngunit hindi pa kumpirmado na plague ang sanhi ng pagkamatay, at walang kumpirmadong outbreak ng plague sa Irkutsk.
Ayon sa impormasyong iniulat sa World Health Organization (WHO), na-trace at na-test ang mga taong nakasalamuha ng namatay at walang nakitang dangerous infectious pathogen sa kanila.
Sa kasalukuyang assessment, mababa ang panganib sa general population.
Kaya huwag agad maniwala sa mga headline na nagsasabing “kumakalat na ang bagong nakamamatay na sakit.” Sa ngayon, wala pang sapat na ebidensiya para sabihin iyon.
📌 SOURCE / PARA MAG-FACT-CHECK:
🌐 WHO – Plague:
https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/plague
🌐 WHO – Health Emergencies:
https://www.who.int/emergencies
Huwag mag-panic. Mag-fact-check bago mag-share.
Ang impormasyon ay maaaring magbago habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.