21/08/2026
➡️Isang malusog at mapagpalang Buwan ng Pagpapasuso sa inyong lahat. Ngayong buwan ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang dakilang regalo ng isang ina—ang kanyang gatas. Alamin natin ang mga kamangha-manghang benepisyo nito para kay baby at kay mommy.
😍Para kay Baby:
Ang gatas ng ina ang pinakamalusog na pagkain ng sanggol. May mga natural na panlaban ito sa sakit.
Tumutulong ito upang sila ay maging matalino at pinoprotektahan ang sensitibong tiyan.
😍At para kay Mommy:
Tinutulungang lumiit agad ang matris pagkapanganak, bumibilis ang kanilang paggaling. Nagpapababa ng panganib sa breast at ovarian cancer. Tumutulong sa pagbawas ng timbang. Matipid sa bulsa dahil ito ay libre, ligtas, laging handa anumang lugar, at anumang oras.
➡️At dahil dito, magbibigay ako ng tips katulong ang mga produkto ng Tiny Buds.
✨Items from the Buds & Blooms Breastfeeding Essential✨
✅Malunggay capsules:
Ang malunggay capsule o Moringa ay iniinom bilang bitamina. Ito ay maaring inumin para magdagdag ng sustansya, magparami ng gatas at magpalakas ng resistensya.
✅Cotton nursing pads:
Inilalagay ito sa loob ng bra para sumipsip ng tumutulong gatas at hindi mabasa ang iyong damit.
✅Breastfeeding cleansing mist:
Isang spray lng panglinis ng dibdib na hindi nangangailangan ng sabon at banlaw. Maaring gamitin kahit sensitibo ang balat.
✅Nurse well breastfeeding care:
Pamahid ito para maghilom, lumambot, at mabawasan ang hapdi ng sugat o bitak sa ni***es.
✅Reusable breast relief doughnut:
Gel pack na inilalagay sa dibdib; maaari itong palamigin o painitin para sa pamamaga at sakit.
➡️Ating tandaan na ang pagpapasuso ay hindi lang pagbibigay ng pagkain. Ito ay pagpapakita ng wagas na pagmamahal at pagkalinga. Kay mommy at kay baby, ang gatas ng ina ang pinakamagandang simula ng buhay.
Maraming salamat at Happy Breastfeeding Month!❤️
Tiny Buds