Bo. Magsaysay Health Center

Bo. Magsaysay Health Center Manila Health Department (MHD) - Health Center

30/04/2026

☀️ PAALALA: MATAAS NA HEAT INDEX NGAYONG APRIL 30

Aabot sa 42°C–46°C (Danger Level) ang heat index sa ilang bahagi ng Pilipinas ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

💧 Uminom ng tubig
🧢 Iwasan ang araw (10AM–4PM)

❤️ Ingat tayo!





12/04/2026

ADVISORY: MAGSUOT NG FACE MASK SA PAGLABAS NG BAHAY 😷

Inaabisuhan ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department ang lahat ng Manileño na magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay, alinsunod sa patuloy na pagmomonitor sa kalagayan ng kalidad ng hangin sa Kapitolyo ng bansa.

Batay sa Air Quality Index (AQI) mula sa apat na monitoring locations sa ilalim ng Hinga Maynila Program ngayong Abril 11, 2026, alas-5:00 ng hapon, naitalang nasa “Fair” ang Anda Circle, San Sebastian Residences, at Sta. Ana Hospital, habang ang Puregold Tayuman ay nasa antas na “Unhealthy for Sensitive Groups.”

Dahil dito, maaaring makaranas ng hindi magandang epekto sa kalusugan ang mga kabilang sa sensitibong sektor, lalo na ang mga bata, senior citizens, buntis, at mga may iniindang sakit sa baga, puso, o hika. Pinapayuhan ang mga may respiratory illness tulad ng asthma na iwasan o limitahan ang outdoor activities sa mga lugar na apektado ng UFSG level ng hangin.

Ayon sa monitoring, maaaring maiugnay ito sa makapal na usok mula sa nagpapatuloy na sunog sa Navotas Sanitary Landfill, na umaabot sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Pinapayuhan ang publiko na maging maingat, limitahan ang matagal na pananatili sa labas kung hindi kinakailangan, at ugaliing magsuot ng face mask bilang pag-iingat laban sa masamang epekto ng maruming hangin.

Patuloy pong minomonitor ng mga kinauukulang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Manileño.


21/03/2026

#𝙏𝘽𝙁𝙧𝙚𝙚?🧐 𝙃𝙪𝙬𝙖𝙜 𝙗𝙖𝙨𝙩𝙖 𝙪𝙢𝙖𝙨𝙖 𝙨𝙖 𝙝𝙪𝙡𝙖 𝙖𝙩 𝙖𝙠𝙖𝙡𝙖. 𝙋𝙖-𝙘𝙝𝙚𝙘𝙠 𝙠𝙖 𝙇𝙐𝙉𝙂𝙎!✍️

Ang X-ray ay isa sa pinakamabilis at epektibong paraan para makita kung may TB ang isang tao kahit wala pang sintomas. Sa pamamagitan nito, maagang natutukoy ang impeksyon, maagang nasisimulan ang gamutan, at mapoprotektahan ang pamilya at mga taong malapit sa’yo.

Maagang pagsusuri ang sagot upang maagapan ang TB bago ito lumala at kumalat.

🏥𝗠𝗮𝗴𝗽𝗮 𝗫-𝗿𝗮𝘆 𝗮𝘁 𝘀𝗶𝗴𝘂𝗿𝗮𝗱𝘂𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝘂𝘀𝗼𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝗮! I-scan ang QR code para malaman ang pinakamalapit na TB-DOTS facility sa inyong lugar.


-FreeGeneration

28/01/2026

🌟OPERATION TIMBANG PLUS (OPT+) 2026🌟

Para sa mas malusog, mas ligtas, at mas matibay na kinabukasan ng mga batang Maynila 💙

Isinasagawa ang Operation Timbang Plus 2026 para sa mga batang 0–59 buwang gulang, kung saan sinusukat at sinusuri ang timbang at tangkad ng mga sanggol at bata upang matukoy ang kanilang kalagayan sa nutrisyon. Kasama rin dito ang payong pang-nutrisyon, Vitamin A supplementation, at deworming.

📍 Sama-sama nating siguraduhin na walang batang Maynila ang mapag-iiwanan pagdating sa kalusugan at nutrisyon.

👶👧 Dahil ang malusog na bata ngayon ay malakas na Maynila bukas.

Board by: Rocky Jehu Lenciano




26/01/2026

INGAT SA LAMIG! 🌬️

Cooler weather can increase the likelihood of flu-like illnesses. Here’s how to protect yourself.

READ RELATED STORY: https://inqnews.net/flulikersv

24/01/2026
23/01/2026

📢 PAANYAYA SA LAHAT NG RESIDENTE NG MAYNILA 📢

🪱 LIBRENG DEWORMING / PAGPUPURGA 🪱

Ang City of Manila – Manila Health Department, Health Education & Promotion Unit ay nag-aanyaya sa lahat ng mga magulang at kabataan na makiisa sa Deworming o Pagpupurga upang maprotektahan ang kalusugan ng ating mga anak laban sa mga bulate sa tiyan.

📅 Kailan: January 26–30, 2026

Sino ang maaaring magpa-deworming?
✔️ Lahat ng batang 1–4 taong gulang
✔️ Out-of-School Youth na edad 5–19 taong gulang

📍 Saan:
👉 Pinakamalapit na Health Center sa inyong lugar

💊 Ang deworming ay ligtas at mahalaga upang maiwasan ang:
- Pananakit ng tiyan
- Panghihina at pamamayat
- Anemia
- Pangangati ng puwit
- Pagsusuka at iba pang komplikasyon dulot ng bulate

👩‍⚕️ Sundin ang payo ng health worker at samantalahin ang libreng serbisyong ito para sa mas malusog na kinabukasan ng ating kabataan.

📣 Makilahok, magbahagi, at ipaalam sa kapamilya at kapitbahay!
💙 Sama-sama nating panatilihing malusog ang bawat Manileño.





13/01/2026

Para sa kaligtasan ng pamilya at komunidad:
Ang 𝐅𝐋𝐔 o 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐒𝐎 ay madaling makahawa, pero madaling maiwasan kung tayo ay may tamang kaalaman.

💙 𝑺𝒂𝒎𝒂-𝒔𝒂𝒎𝒂 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒓𝒐𝒕𝒆𝒌𝒕𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝑴𝒂𝒏𝒊𝒍𝒆𝒏𝒐!



11/01/2026

𝐒𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐞𝐬, 𝐄𝐧𝐞𝐫𝐨 𝟏𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐥𝐞𝐧̃𝐨 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐝𝐚𝐲𝐜𝐚𝐫𝐞 𝐜𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐛𝐢𝐛𝐢𝐠𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐘𝐎𝐑𝐌𝐈𝐋𝐊.

Pero ano nga ba ang 𝐘𝐎𝐑𝐌𝐈𝐋𝐊?

Ang 𝐘𝐎𝐑𝐌𝐈𝐋𝐊 ay isang pasteurized milk supplement para sa mga daycare students na tumutulong sa tamang paglaki at kabuuang kalusugan ng mga bata sa murang edad.

Taglay ng 𝐘𝐎𝐑𝐌𝐈𝐋𝐊 ang mahahalagang sustansya para sa bata:

• 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐢𝐧 – tumutulong sa paglaki ng katawan, pagpapatibay ng kalamnan, at pagpapalakas ng resistensya laban sa sakit.

• 𝐕𝐢𝐭𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐀 – mahalaga para sa malinaw na paningin at proteksyon ng katawan laban sa impeksyon.

• 𝐂𝐚𝐥𝐜𝐢𝐮𝐦 – nagpapalakas ng mga buto at ngipin ng bata.

• 𝐈𝐫𝐨𝐧 – tumutulong sa pagbuo ng malusog na dugo at nagbibigay lakas at enerhiya para sa pagkatuto.

Sa tulong ng 𝐘𝐎𝐑𝐌𝐈𝐋𝐊, masusuportahan ang nutrisyon ng mga batang daycare. 𝑫𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒕𝒂𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒚𝒏𝒊𝒍𝒂, 𝑩𝒂𝒕𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒍𝒖𝒔𝒐𝒈 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒚 𝒕𝒂𝒍𝒊𝒏𝒐.


03/01/2026

Address

300 Herbosa Street, Tondo
Manila

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bo. Magsaysay Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share