Dr. Aileen Cynthia De Lara

Call Directions

Dr. Aileen Cynthia De Lara Doc ACDL is a renowned cardiologist and distinguished educator at UST.

With a passion for medicine and teaching, she focuses on women's cardiovascular health and loves helping patients by sharing tips to live a healthier, quality life. Dr. Aileen Cynthia De Lara is a warm and dedicated cardiologist with a deep love for medicine and helping her patients live healthier lives. As a distinguished educator at UST and Chief of Cardiology at Jose Reyes Memorial Medical Center, she combines her passion for teaching with her expertise in women's cardiovascular health. Dr. De Lara enjoys sharing knowledge and guiding people toward better health, making her a deeply-trusted fellow in the medical community.

11/09/2026

Not all wounds are visible. 💚

May mga araw na kaya mo namang gawin lahat ng kailangan mong gawin, pero deep inside, pagod ka na.

You show up. You work. You take care of people. You smile. Pero minsan, ikaw mismo, hindi mo na alam kung paano mo kinakaya.

Kaya sana, matuto rin tayong mag-check in with ourselves. Kumusta ka? Nakakapahinga ka ba? May taong mapagsasabihan ka ba kapag mabigat na?

At kung may taong mahalaga sa’yo na sa tingin mo na nahihirapan, ‘wag hintayin na sila pa ang lumapit. A simple message, a quiet conversation, or simply being there can mean more than you realize.

Hindi natin kailangang magkaroon agad ng sagot sa lahat. Minsan, ang unang step ay ang pag-amin na kailangan natin ng tulong.

Kumusta ka… yung totoo?

10/09/2026

Akala mo simpleng taba lang sa tiyan? Baka may taba rin sa atay.

Ang fatty liver, o NAFLD, ay puwedeng mangyari kahit hindi ka umiinom ng alcohol. Madalas itong connected sa excess weight, insulin resistance, diabetes at mataas na cholesterol.

Ang mahirap dito, kadalasan wala itong sintomas sa simula. Kaya mahalagang bantayan ang weight, blood sugar, cholesterol at liver health.

Good news: may magagawa ka. Mas maayos na pagkain, regular na galaw at gradual weight loss can help protect your liver.

May fatty liver ka ba, o may kakilala kang meron? Huwag hintayin na lumala bago kumilos.

09/09/2026

Nagda-diet at exercise ka na pero hirap pa rin magbawas ng timbang?

May mga pagkakataon na maaaring ikonsidera ang prescription medication for obesity. Pero hindi ibig sabihin na gamot na lang ang gagawa ng lahat.

Diet, exercise, at medication when appropriate can work together as part of a sustainable weight management plan.

At pinaka-importante, ang gamot ay dapat guided by a physician.

08/09/2026

Alam mo bang pwedeng may ANEURYSM ka na pala nang hindi mo namamalayan?

Madalas, walang sintomas ang aneurysm. Kaya kung may risk factors ka, magpacheck bago pa may maramdaman.

07/09/2026

Alam mo na ba noong bata ka pa kung ano ang gusto mong maging paglaki?

For Doc Julie, medicine was always the path she wanted. Pero along the way, she realized na being a doctor also meant becoming a teacher.

Kasi hindi lang naman tayo gumagamot. We also explain, guide, and teach our patients how to take better care of themselves.

Ikaw, ano ang gusto mong maging simula bata ka pa? Natupad mo ba? O baka naman tinutupad pa?

06/09/2026

Kailan ba nagiging “health problem” ang timbang?

Minsan kasi, ang usapan tungkol sa weight ay nauuwi agad sa looks. Pumayat para mas maganda. Mag-diet para magkasya ang damit. Mag-exercise para lumiit ang tiyan.
Pero mas mahalagang tanong: healthy ba ang katawan mo?

Obesity is more than a number on the scale. May epekto ito sa blood sugar, blood pressure, heart health, at overall quality of life.

Kaya hindi kailangang hintayin na lumala bago kumilos. Prevention can start with simple things: mas balanced na pagkain, less processed food, regular movement, at pagiging mas intentional sa everyday habits.

Hindi kailangan perfect. Ang importante, may ginagawa ka para alagaan ang health mo ngayon.

Ikaw, ano ang isang healthy habit na gusto mong mas maging consistent?

"Dok, totoo bang ang sobrang stress ay nagdudulot ng breast cancer? Paano naman ang bra, alak, o certain foods?"Isa ito ...
05/09/2026

"Dok, totoo bang ang sobrang stress ay nagdudulot ng breast cancer? Paano naman ang bra, alak, o certain foods?"

Isa ito sa mga pinakakaraniwang tanong na naririnig ko sa clinic at sa social media.

Sa video na ito, kasama si Dr. Gerald Alcid, pag-uusapan natin ang mga pinaka-karaniwang myths tungkol sa breast cancer at ang mga risk factors na talagang sinusuportahan ng medical evidence. Aalamin din natin kung ano ang epekto ng hormones, lifestyle, alcohol, obesity, at breastfeeding sa breast cancer risk.

Ang pinakamahalaga, matututuhan mo kung bakit hindi sapat ang impormasyon mula sa internet at bakit mahalaga pa rin ang tamang konsultasyon at regular na screening.

Sa video na ito:
✔️ Nakaka-breast cancer ba ang stress?
✔️ Totoo bang delikado ang underwire o masikip na bra?
✔️ May epekto ba ang alcohol at obesity?
✔️ May pagkain ba talagang nakakapagpaiwas sa breast cancer?
✔️ Nakakababa ba ng risk ang breastfeeding?
✔️ Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Panoorin natin: https://youtu.be/bo3q5cefl9E

Sa dami ng health advice online, mahalagang alam natin kung alin ang mito at alin ang base sa siyensya.

"Dok, totoo bang ang sobrang stress ay nagdudulot ng breast cancer?...

05/09/2026

Hindi kailangang hintayin na may sintomas bago magpatingin.

Kung wala kang nararamdaman, routine check-ups and laboratory tests at least once a year can help catch potential health problems early.

At kung ang concern ay cost, may mga clinics, institutions, at programs that offer free consultations, laboratory tests, and even medications.

Prevention starts with awareness. Huwag hintaying may maramdaman bago alagaan ang kalusugan.

04/09/2026

“Hindi pa naman ako menopausal, pero bakit ganito ang pakiramdam ko?”

Because menopause doesn't happen overnight.

May transition period muna, at ito ang tinatawag na PERIMENOPAUSE.

03/09/2026

Akala mo menopause na? Baka perimenopause pa lang.

Ang perimenopause ay transition period bago menopause. Dito nagsisimulang magbago ang hormones, kaya puwedeng magkaroon ng irregular periods, hot flashes, mood changes, palpitations, o hirap matulog.

Ang menopause naman ay kapag wala nang regla sa loob ng 12 consecutive months.

At pagkatapos nito, postmenopause na ang tawag sa stage ng buhay pagkatapos ng menopause.

Normal ang transition na ito, pero kung may kakaibang, magpacheck para malaman kung ano ang nararapat para sa’yo.

Address

Manila

Opening Hours

Monday 8am - 6pm
Tuesday 8am - 6pm
Wednesday 8am - 6pm
Thursday 8am - 6pm
Friday 8am - 6pm
Saturday 8am - 6pm
Sunday 8am - 6pm

Telephone

+639175415199

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. Aileen Cynthia De Lara posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share