02/06/2026
Noong ika-1 ng Hunyo 2026, kasabay ng pagbubukas ng Pride Month, isang makasaysayang kabanata ang nabuksan sa Pamantasan sa ๐จ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ญ๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐ค๐๐ฒ ๐๐๐ก๐ง๐ ๐. ๐๐๐ซ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ฎ๐ฉ๐ซ๐๐ฆ๐ ๐๐ญ๐ฎ๐๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ. Bilang kauna-unahang estudyante mula sa College of Public Administration na nahalal sa pinakamataas na posisyon ng konseho, ang kaniyang tagumpay ay patunay ng lumalawak at mas inklusibong representasyon sa pamantasan. Nawaโy magsilbi itong inspirasyon sa mas marami pang mag-aaral na makiisa at maglingkod para sa kapakanan ng masang estudyante. ๐ชโ๏ธ
๐๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ ๐๐ฎ ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ:
Sa bawat isang estudyante-lider, mga dumalo, at sa aking mga kapuwa estudyante, isang maalab na araw sa ating lahat!
Labis akong nagagalak sa pagkakataong naibigay sa akin ng aking mga kapuwa estudyante upang manilbihan at patuloy na ipaglaban ang ating katarungan. Alam kong hindi magiging madali ang pagtahak natin sa isang makulay na bukas, laloโt kung patuloy tayong ikukulong sa isang madilim na sistema. Sa tingin ko, isa ito sa nagiging dahilan kung bakit patuloy na bumababa ang civic engagement hindi lamang sa atin ngunit sa iba pang mga unibersidad. Hindi natin masisisi ang ating mga estudyante kung ayaw na nilang makiisaโsino ba naman ang gugustuhing makisama sa pabago-bago at hindi maka-estudyanteng pamamahala? Gayunpaman, sobra akong natuwa nang mabalitaang nitong nagdaang eleksyon, ating nakamit ang 61.15% voter turnout na mas mataas kumpara sa naitala noong 2025 University Elections na 56.07%. Ito ay repleksyon ng husay, pagmamatyag, at kapangyarihan ng bawat isang Haribon na magluklok ng estudyante-lider para sa mas marunong, mas maunlad, at mas dakilang Pamantasan.
Nagkataon lamang ba ito, o bahagi talaga ito ng plano ng tadhana? Sapagkat ngayong araw din ang pagsisimula ng isang makulay at makabuluhang buwan. Sa pagdating ng Hunyo, ating ginugunita ang Pride Month, isang pagdiriwang ng pagkakakilanlan, katatagan, at pagmamahal sa kabila ng mga hamon. Tulad ng ating mga kapatid sa komunidad, patuloy tayong tatayo ng may dangal at tapang. Hindi tayo magpapasindak sa mga pagsubok na ating haharapin, sa halip, gagawin natin itong inspirasyon upang magpatuloy, magningning, at ipaglaban ang ating mga adhikain.
Ang maging Pangulo ng kataas-taasang konseho ng mga mag-aaral ay malayo sa persepsyon ng iilan na itoโy simple lamang. Dahil binbin mo ang boses ng bawat isang estudyante. Dala-dala mo ang responsibilidad na ipaglaban ang boses ng bawat isa at umukit ng isang bukas na malaya nang sa gayon ay bukas wala nang mahaharang dahil wala silang dalang SER, wala nang magrereklamo dahil sa hindi transparent na proyekto, wala nang transgender ang matatawag sa kaniyang deadname, mapapalabas sa CR, at madidiskrimina dahil pinili niyang magsuot ng pambabaeng uniporme, at higit sa lahat ay wala nang magiging hinaing dahil sa tingin nilaโy hindi napakikinggan ang kanilang boses.
Bago pa man tayo opisyal na maiproklama at maupo sa puwesto ngayon ay nakinig na tayo sa mga karaniwang problema at karanasan ng mga estudyante sa Pamantasan. Daan ang initial consulation sa ating mga College Student Councils, lumikom tayo ng datos na ating magagamit bago mabuo at mailatag ang mga proyekto ng aming termino para sa papasok na academic year. Sinimulan na rin natin ang kampanya at pangangalap ng survey votes para sa Student Regency sa Pamantasan. Iilan lamang ito sa mga palatandaan na ang PLM Supreme Student Council sa ilalim ng ating pamumuno ay magiging mas demokratiko, mas nakikinig, at maka-estudyante.
Tulad ng ibinabandera ko noong eleksyon, ipapanalo natin ang 2-way leadership. Ipapanalo natin ang karapatan ng bawat isa! Dahil katulad ng mga krayolang nakakahon, kapag tayo ay nagsama-sama, kakayanin nating buksan ang kandadong umiipit sa atin at unti-unting makulayan ang pahina ng lipunan.
Hindi natin ipinapangako ang perpektong liderato, dahil iisa lamang ang kaya nating gawin: ang makipagtulungan sa bawat isang Haribon ng Pamantasan.
Muli, lubos akong nagpapasalamat sa pagkakataong inyong ibinigay upang maging Pangulo ng PLM Supreme Student Council para sa Academic Year 2026-2027. Sama-sama, ay paliliparin natin ang saranggola ng pangarap!