KuyaRam-GoesRandom

KuyaRam-GoesRandom Random lovely stuff with Life in Christ �
To show others how God Loves thru Christ �

"In every blurry vision,Beloved Lord Jesus can easily make it clear." 💕
07/08/2026

"In every blurry vision,Beloved Lord Jesus can easily make it clear." 💕








07/08/2026

Diyos ka sa amin 🙌

Mga Awit 115

Magandang Balita Biblia

Awit para sa Iisa at Tunay na Diyos
115 Tanging sa iyo lamang, Yahweh, ang dakilang karangalan,
hindi namin maaangkin, pagkat ito'y iyo lamang;
walang kupas iyong pag-ibig, natatanging katapatan.

Godbless kapatid 🙏❤️‍🔥







06/08/2026

Maulan na araw ⛈️
Ingatan po tayo ng Lord lahat 👋

Mga Awit 34:1-3

Magandang Balita Biblia

34 Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin;
pagpupuri ko sa kanya'y hindi ko papatigilin.
2 Aking pupurihin kanyang mga gawa,
kayong naaapi, makinig, matuwa!
3 Ang kadakilaan niya ay ihayag,
at ang ngalan niya'y purihin ng lahat.

Godbless you always kapatid 🙏❤️‍🔥







May tamang panahon...Last month nag meet kami nitong ating kapatid sa isang food store. While waiting saMga order nagkar...
23/07/2026

May tamang panahon...

Last month nag meet kami nitong ating kapatid sa isang food store. While waiting sa
Mga order nagkaroon kami ng kaunting usapan,sumagi rito ang na same kami ng school noon college isang maritime school.

Lumipas ang halos isang buwan isang araw nagkita ulit kami sa tambayan,kaunting kwentuhan ulit at syempre I papasok ko na ang pagbabahagi ng GOSPEL kaso yung order na mayroon kami eh baka matagalan at lumamig nakaka hiya naman sa customer,kaya sabi ko next time na lang.

Hanggang sa dumating yung araw bakante maluwag ang oras wala pang booking nagkita ulit kami. Wala ng paligoy agad ko ibinahagi sa kanya ang "MABUTING BALITA" ng kaligtasan mula sa "MAHAL NA PANGINOONG JESUCRISTO",to accept LORD JESUS CHRIST as Lord and Saviour.

Matapos ng pagbabahagi ng mensahe mula kay Lord nabanggit nya on time sa kanya yung nila laman nito

May tamang panahon...gaya ng Sabi sa

Mangangaral 3:1

May Takdang Panahon para sa Lahat

3 Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras.

Itong time for Him to hear the GOSPEL
and for you to read this. Hope the Lord show and make you feel His presence to you

Godbless you always kapatid 🙏❤️‍🔥







Sundin mo...Regular meet up day namin ng mga kabataan (Sabado) sa park,natapat na pagod na yung katawan. Hanap ko talaga...
02/07/2026

Sundin mo...

Regular meet up day namin ng mga kabataan (Sabado) sa park,natapat na pagod na yung katawan. Hanap ko talaga pahinga at pag tulog na,ka't kinabukasan marami pang naka-abang.

Pag-uwi galing trabaho nadaanan sila't nilingon lang may kanya-kanyang ka abalahan,kaya sabay sabi saka na lang.

Sampung metro makalampas tila may hanging humampas. Sabay tila may tinig na bumulong "BALIKAN MO KAHIT IPANALANGIN LANG",walang dalawang isip balik agad na parang may pwersang tumutulak,nakaagapay.

Kinamusta sila at kung ano ang panuto "IPANALANGIN SILA" yun lang muna ang ginawa. At ayun yung galak bakas naman sa mukha ng bawat isa.

Kapag may pinagagawa "SIYA" gawin,huwag ng ipagpabukas pa,ang maliit na hakbang mo malaki ang epekto sa mga nasasakupan mo.

Sundin mo...ang "KALOOBAN NG MAHAL NA PANGINOONG JESUCRISTO",kailanma'y walang pagkatalo,walang tutumbas na anumang handog tulad ng sabi sa
"KANYANG SALITA":

1 Samuel 15:22-24

22 Sinabi ni Samuel, “Akala mo ba'y higit na magugustuhan ni Yahweh ang handog at hain kaysa ang pagsunod sa kanya? Mas mabuti ang pagsunod kay Yahweh kaysa paghahandog, at ang pakikinig ay higit sa haing taba ng tupa.

Godbless you kapatid 🙏🏾❤️‍🔥








Yes He is...A normal day,waiting ng booking,deliver rito at roon. Habang naglalakad may mga panalangin na tumatakbo sa a...
01/07/2026

Yes He is...

A normal day,waiting ng booking,deliver rito at roon.

Habang naglalakad may mga panalangin na tumatakbo sa aking isipan,a personal prayer between me and the Lord na kung iisipin parang imposible.

Then suddenly His name "JESUS" appears in this vehicle,napangisi na lang ako sabay Sabi sa isip ko hands down talaga sa'yo Lord

Kaya kung may mga panalangin,katanungan at agam-agam ka na tumatakbo sa isip mo wala ng ibang kasagutan kundi "SIYA"☝🏾

Yes He is...exactly He is
"JESUS IS THE ANSWER" 🙌🏾

Open up your heart accept "HIM" as your Lord and Saviour,repent and ask "HIM" to help you about changing your heart and mind towards sin and things that don't glorify "HIM"🤍

Hindi magiging madali o hayahay ang buhay gaya ng sabi nya sa kanyang SALITA:

Juan 16:33

33 Sinabi ko ito sa inyo upang sa inyong pakikipag-isa sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Magdaranas kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”

Subalit ang tunay na pananagumpay sa buhay iyong maasahan ♥️.

Godbless you kapatid 🙏🏾 ❤️‍🔥







Walang estado ng panahon ang makakapigil sa  pagbabahagi ng "MABUTING BALITA ng KALIGTASAN" mula sa "MAHAL NA PANGINOONG...
26/06/2026

Walang estado ng panahon ang makakapigil sa pagbabahagi ng "MABUTING BALITA ng KALIGTASAN" mula sa "MAHAL NA PANGINOONG JESUCRISTO" 🔥








Inaalat man o olats kung minsan 😅Panalo naman sa mga taong nakasalamuha't nabahaginan ng "MABUTING BALITA"  🔥           ...
23/06/2026

Inaalat man o olats kung minsan 😅

Panalo naman sa mga taong nakasalamuha't nabahaginan ng "MABUTING BALITA" 🔥








Another one,30k steps for today 🔥Thank you Lord Jesus for sustaining ♥️Proverbs 18:1010 The name of the Lord is a fortif...
23/06/2026

Another one,30k steps for today 🔥
Thank you Lord Jesus for sustaining ♥️

Proverbs 18:10

10 The name of the Lord is a fortified tower;
the righteous run to it and are safe.








Anuman result...Kahapon after ng work rekta punta na ng park para sa regular follow up sa mga kabataan na mini meet nati...
13/06/2026

Anuman result...

Kahapon after ng work rekta punta na ng park para sa regular follow up sa mga kabataan na mini meet natin. Walang ng update kase ilang meetings na walang palya every saturday naroon sila.

Noong ako'y pa punta na isang kabataan ang nag message na di raw sya makaka punta,kaya pumasok bigla yung alinlangan baka mamaya wala akong madatnan. Tumuloy pa rin ako,pero bago ang lahat sinimulan ko ng isang panalangin,"Lord ihanda mo po ang puso ng aking mga katatagpuin,Lord anuman resulta matuto akong tanggapin."

Matapos diretso na ako buo ang loob si Lord na ang bahala. Di ako nagkamali wala nga Sila 😆,but the Lord gave new set of young people na mabahaginan ng "Good News",tapos ang kasama pa eh isa sa co-member sa aming cell group at ang isa ay isa rin sa mga student na na pina follow up namin last year.

Tanging na sambit ko na lang "iba ka talaga Lord" 🤯

Syempre di na natin pinalampas ang pagkakataon ibinahagi ko na sa dalawa nilang kasama ang "Mabuting Balita" mula sa
"Mahal na Panginoong Jesu-Cristo",then sinubukan ko na rin sila imbitahin ngayong linggo sa Sunday Service.

Kaya mabalik ko lang:

Anuman result...ng iyong panalangin patuloy na magtiwala,lumakad at ganapin pa rin ang iyong tungkulin para sa Panginoon,Hindi mo man makita o mahawakan ang gantimpala

Sapagkat sabi sa kanyang SALITA:

Colosas 3:24-25

24 Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo.

At ang pinaka malaking gantimpala na matatamo natin sa buhay na ito ay walang iba kundi sya ☝🏾ang

"Mahal na Panginoong Jesu-Cristo"

Tanggapin mo sya bilang Panginoon at Tagapagligtas talikuran ang iyong mga kasalanan at sumunod sa kanyang kalooban 🙇🏾

Godbless you kapatid 🙏🏾❤️‍🔥

Address

E. Rodriguez Street Tondo
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KuyaRam-GoesRandom posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share