15/08/2026
🦷 ISANG MATAGUMPAY NA LAY FORUM PARA SA KALUSUGAN NG NGIPIN AT HEMOPILYA
Noong Agosto 5, 2026, matagumpay na isinagawa ng UP–Philippine General Hospital Division of Hematology, katuwang ang PGH Hospital Dentistry, ang isang lay forum na nakatuon sa ligtas at wastong pangangalaga ng ngipin para sa mga taong may hemopilya at iba pang namamanang karamdaman sa pagdurugo.
Sa pamamagitan ng forum, naibahagi ang mga praktikal na kaalaman tungkol sa:
- Wastong oral hygiene at pag-iwas sa dental problems
- Maingat na pagpaplano ng dental procedures
- Paggamit ng local hemostatic measures at antifibrinolytics kung kinakailangan
- Kahalagahan ng koordinasyon ng dentista at hematologist bago, habang, at pagkatapos ng dental treatment
Nagpapasalamat kami sa lahat ng nakibahagi at naging bahagi ng makabuluhang talakayang ito. Sama-sama nating isulong ang ligtas na dental care, mas malusog na ngipin, at mas kumpiyansang ngiti para sa ating mga pasyenteng may hemopilya. 🩸🦷❤️
Dahil para sa hemopilya, bawat ngiti ay mahalaga!
📸 PGH Hematology Pubmat TWG