30/05/2026
"Kapit-Hininga" 🩻🦠
Kakatapos ko lang mapanood ang Dokumentaryo na ito ni Mam Kara David. Nakakalungkot isipin na marami at dumarami pa ang nagkakasakit ng TUBERCULOSIS. Ang kadalasan pang biktima ay mahihirap na tila hirap na hirap pa sa pagkuha ng gamot para rito.
Kung tutuusin ika nga ni Mam Kara, hindi kahirapan ang ating kalaban pag dating sa kahit ano mang sakit. Sa kaso ng Tuberculosis, GOBYERNO ang siyang may responsibilidad na magbigay ng karampatang gamot sa bawat isa, proyekto nila ito. OPO, LIBRE ANG GAMOT PARA SA TB.
Bilang isang Doktor, masasabi kong madali gamutin ang sakit na ito. "KUNG" - Una naagapan masuri ang pasyente, pangalawa kung may sapat na supply ng gamot para rito at araw araw itong naiinom sa loob ng ANIM na BUWAN. Hindi po tama na pahinto-hinto ang pag inom ng gamot para rito.
HINDI DAPAT MAGING SENTENSIYA NG KAMATAYAN ANG SAKIT NA ITO. WALANG DAPAT NA NAMAMATAY SA TB dahil Ito ay lubos na NAGAGAMOT at NAIIWASAN.
Kung tunay na prayoridad ang kalusugan ng mamamayan, DAPAT TIYAKIN NG MGA NASA POSISYON NA WALANG PILIPINONG MAIIWAN SA LABAN NA ITO.
*Madami akong napasukang Private Clinics, na nagbebenta ng Anti-TB meds. Kung totoo po na tayo ay concern sa inyong mahihirap na pasyente, SANA IREKOMENDA o IREFER NALANG PO NATIN SILA SA MALALAPIT NA TB DOTS CENTER sa kanila. Mahal po itong mga gamot na ito dahil hindi lang iisa o dalawa o tatlong ang tabletas na iinomin nila kada araw. KAWAWA ANG SILANG MAHIHIRAP.
Ayon sa DOH National TB Control Program, ang mga karaniwang sintomas ng Pulmonary TB ay:
✅ Ubo na tumatagal nang 2 weeks o higit pa
✅ Lagnat, lalo na sa hapon o gabi
✅ Labis na pagpapawis sa gabi
✅ Pananakit ng dibdib
✅ Pagbaba ng timbang o pangangayayat
✅ Kawalan ng gana sa pagkain
✅ Pag-ubo ng may kasamang dugo o plema na may bahid ng dugo
‼️Kung nakakaramdam ng mga sintomas na ito. Magpakonsulta agad sa malapit na TB DOTS Center sa inyong lugar.