16/10/2025
โฐ Oras ng kain, may ambag din sa health mo, bes!
Hindi lang โwhat you eatโ ang mahalaga, pati "kailan ka kumakain" may epekto rin sa kalusugan mo. Ayon sa Philippine Society of Nephrology, meal timing plays a role in preventing lifestyle-related diseases.
Ayon sa mga doctor, mas mabuti ang kumain ng husto sa umaga para sa enerhiya at metabolismo.
Almusal: Kumain sa loob ng 1-2 oras pagkagising para simulan ang metabolismo at magbigay ng enerhiya.
Tanghalian: Kumain 4-5 oras pagkatapos ng almusal. Ang maagang tanghalian ay nakakatulong sa mas mahusay na metabolismo at pamamahala ng timbang.
Hapunan: Kumain ng 2-3 oras bago matulog para sa maayos na pagtunaw at maiwasan ang pagkaabala sa tulog.
Merienda: Kung ang agwat ng pagkain ay higit sa 4-5 oras, isang maliit na balansadong merienda na may protina, fiber, at malusog na fats ang makakatulong.
Prevention is better than cure. Sa pamamagitan ng tamang nutrisyon, healthy lifestyle, at regular check-up, maiiwasan ang Chronic Kidney Disease (CKD).