27/10/2025
Maraming negosyo ang mukhang kumikita pero lagi pa ring kapos sa cash.
Bakit?
Kasi madalas, hindi negosyo ang problema. Ikaw ang dahilan.
Kumita lang ng kaunti, bili agad ng kotse.
Nakahawak ng malaking cash, biglang magastos.
Dumami lang ang customer, lipat agad sa mas malaking bahay.
Ito ang pattern na madalas kong nakikita sa mga negosyanteng parang laging “break even” kahit mataas ang sales at maayos ang cashflow.
Pag sinilip mo ang financials, maayos naman lahat.
Tama ang presyo, kontrolado ang gastos, tuloy-tuloy ang benta.
Pero pagdating sa month-end, kulang pa rin sa pambayad ng suppliers at bills.
Ang madalas na dahilan?
Personal expenses ng owner na galing sa pera ng negosyo.
Marami ang nag-aakalang dahil sila ang may-ari, kanila rin ang lahat ng kita.
Ang totoo, yung sales ay kailangan pang hatiin sa suppliers, empleyado, buwis, at iba pang obligasyon.
Ang natira lang, yun ang tunay mong share — ang net profit.
At kahit net profit pa yan, hindi lahat dapat kunin.
Dapat may maiwan para sa emergency fund, future expansion, o slow months.
Kaya bago mo sisihin ang market, gobyerno, o customer, tingnan mo muna ang sarili.
Baka hindi negosyo ang unti-unting nalulugi, kundi ikaw ang unti-unting kumukuha ng buhay dito.
Segregated ba ang personal at business expenses mo?