01/08/2020
Ctto. Jenna Essence iDrinks 🍵☕️
CHICHIKA KO PA BA? EH TIGNAN MO LANG TONG PICTURE KO KUHA MO NA! CHARRRR 😂
Di ko sinasabi sumexy na ako ha, pero on the way na! Hahaha! hindi ko pa na naibabalik ang bente kwatrong bewang pero nahahappy ako kasi may improvement. Nasusuot ko na ulet yung maong ko ng nakakahinga ako 😂 hindi ko na kasi yan mai-zipper dati kahit anong pag pigil ko ng paghinga. Akala ko wala ng pag asa mars, pero dumating tong si iDrinks.
Go tayo kung kelan ko sya iniinom, gaano kadalas, at lasa. Sa umaga iReduce green coffee with chia seeds,everyday. Ang lasa nya normal na green coffee walang panget na lasa, masarap, walang mga dahon-dahon na makikita sa ibabaw ng kape, walang after taste.
After lunch either iBOOST, iDETOX or iPROTECT depende sa mood ko kada araw. Ang iBOOST Milktea may chia na talaga yan na kasama pero dinadagdagan ko padin kasi keri lang naman superfood ang chia at madaming health benefits at nakakaboost ng milk production ❤️ Minsan kapag may stock ako ng sago nilalagyan ko din haha. Sarap nito! Hindi lasang pampapayat parang normal na milktea, unang dating ng stock nito saken naka tatlong sachet agad ako. May sakura flower, glutathione at collagen content yan nakaka dyosa 😂
Ito namang iDETOX green apple juice akala ko matamis sya nung tinitimpla ko dahil sa kulay, pero mali ako mars hindi sya matamis na matamis infact may konting hint ng asim na kaya mas nagustuhan ko. Ang sarap nito very refreshing ang lasa, nilalagyan ko din ng chia to kada inom ko. With collagen, rosehip at glutathione na nakaka fresh at nakaka bata.
Yung iPROTECT naman hindi sya talaga slimming. Pure vitamin C sya in juice form. Pwede din to sa mga chikiting lalo na yung mga mahirap painumin ng vitamins. Aakalain nilang normal juice lang to kasi masarap din sya hindi din sobrang tamis, may hint ng konting konting asim. Syempre with chia seeds ulet hahaha. Bihira ko lang to inumin kasi umiinom naman ako ng JENCEE.
Sa gabi namimili lang ako sa iBOOST, iDETOX at iKETO. Depende ulet sa mood ko. Ganern. Again, with chia seeds ulet kasi bukod sa health benefits nag a-add sya ng texture sa drinks parang sinkers nadin diba. Yung iKETO masarap din, ang smooth ng pagkachocolate nya para saken. Hindi ako mahilig uminom ng chocolate drink pero nagustuhan ko yung iKETO kasi hindi sobrang tamis at masarap talaga kahit papakin. Promiseeee!
Sa effects naman tayo mars! Lahat ng variants talagang tinikman ko lahat at talagang lahat masarap para kang di nagpapapayat. At sa lahat ng yan never ako nakaramdam ng ❎hilab ng tyan ❎LBM ❎pagkahilo. Kasi may ibang slimming supplement na sa first 3 days nakakaramdam ng pagkahilo kasi nag aadjust pa yung katawan mo sa active ingredients. Kaya para di ka manlata dapat kumaen padin kahit konti at more more water. Kasi kung talagang di ka kakaen kahit na walang hilo effect yung slimming product mahihilo ka talaga dahil wala ng laman ang tyan mo. Nakakauhaw sya pero hindi totally dry na dry ang feeling, inom ka lang madaming tubig.
Kapag uminom ako ng iREDUCE sa umaga di talaga ako nagugutom pagdating ng lunch time. PEROOOO dahil nga padede mom ako at ang goal natin ay magpapayat hindi magkasakit kumakaen padin ako. Kung dating nakaka 1-2 na sandok ako ng kanin syempre depende sa ulam kung favorite mo mag papangatlo ka pa Haha! Ngayon sa 1 rice palang solb na ako minsan nga half rice pa. Yun ang nagustuhan ko sa iDrinks mabilis ako mabusog at nalessen yung in between meal cravings ko. Dati di pako tapos maglunch naiisip ko na kung anong memeryendahin ko. Ngayon di na ata ako nagmemeryenda 😂 Syempre hindi yan magic, na inom ka lang ng 3 sachet mala Ivana na ang katawan mo. May process palagi, sa case ko hindi ako pwede mag tanggal ng kanin kasi nagpapabreastfeed ako. Hindi din ako nakakapag exercise kasi wala lang hindi ko bet feeling ko ikakagutom ko lalo hahaha in short tamad ako magpapawis 😂 Pero kita nyo naman, may improvement padin paano pa kung masipag kayo mag exercise at mas madisiplina kayo sa pagkaen 💕
Always remember, trust the process ❤️
Humaba na ang chika ko masyado mga mars! Malay nyo sunod na post ko mala-Ivana na charooooot 🤣🤣🤣