01/08/2023
Uy!! Kamusta na kayo? ππ»
Namiss ko ang mag post! Naging busy lang sa buhay buhay -- pero tayo'y nag babalik! At dahil diyan... Flex ko lang itong mga nakuha kong food suppliers para sa 1st birthday ng Junaks ko! ππ
Talagang bago ko sila kinuha ay nag check muna ako ng reviews kung talagang WORTH IT ba. Alam niyo naman tayong mga Pilipino.. basta't usapang pagkain ay kailangan hindi tayo madissappoint dahil nakakahiya rin sa mga bisitang pintasero't pintasera *charot lang* π
So, Ito na nga... Una sa lahat nagpapasalamat ako sa mga food suppliers na 'to sa pag po-provide ng masasarap na pagkain samin π₯°
D3 Catering Services - Sobrang sarap ng foods nila! Sulit ang bayad mo kapag nagpa cater ka sa kanila. Wala ring bukambibig ang mga bisita kundi masarap ang pagkain o "sino ang nag cater?" π
Mababait pa ang mga staffs.. very accomodating and walang reklamo! Kudos! Sa uulitin po π€π»
Chokitoz Empanadas - Dito talagang subok ko na ang lasa ng empanada nila kaya hindi ako napahiya sa mga bisita ko nung pinatikim ko sa kanila, 200+ pcs ng empanadas, wiped out sa buffet table! Wala ngang na take out dahil lahat ng guests napa "aprub sa sarap!" π«Άπ»
HeArts & Souls Treats PH (Cream Puffs) - Isa rin 'to sa mga madaling naubos sa party. Ang sabi ng mga bisita, panalo raw sa sarap! Ang bait pa ng seller. Salamat at sa uulitin din π€π»
Boching's mini donut - Hindi ko 'to natikman pero marami ang nagsabi na masarap din ito. Perfect mini donuts for your dessert table. Napaka cute kainin. π₯°
DNA Creamery by Bernard & Dranreb Alisuag - Akala ko ay makakaulit pa ko ng balik para kumain ng Ice Cream, pero nagulat ako kasi ubos na pala! π€£ Maraming nagpabalik balik na bisita dito at iisa lang ang comment nila sa Ice Cream.. "Ang creamy! Lasang lasa ang flavor at prutas, masarap!" Salamat po! β€οΈ
Sulit po ang ibinayad ko sa kanila. Talagang uulitin kami kapag may event ulit. Again, thanks so much! π€ππ»π€
PS, Hindi ito sponsored ha. π