26/05/2026
‼️ANOSMIA : WALANG PANG - AMOY‼️
🤔Mga maaring dahilan:
👃️Viral infection (ex. Covid, Flu)
👃Rhinitis, Sinusitis, nasal polyp
️👃head injury na naapektuhan ang ugat / nerve sa pang amoy
👃️ kundisyong medikal (ex. hypothyroidism, diabetes)
👃️ sakit sa utak at ugat (ex. multiple sclerosis, tumor)
👃️ pagka edad / pagtanda (o presbyosmia)
👃️ nakalanghap ng matapang na kemikal o toxins
👃 side effect ng gamot na iniinom
🤔Maaring epekto sa araw araw na pamumuhay:
▶️Walang ganang kumain dahil bawas din ang panlasa
▶️Maaring malagay sa panganib dahil di naamoy ang usok o gas leaks
▶️Nagdudulot ng depression, pag aalala / kaba
▶️Pagbaba ng kalidad ng pamumuhay
🤔Kailan magpapakonsulta❓️
➡️ kung biglaan ang pagkawala ng pang amoy
➡️ walang pang amoy ng higit sa 2 linggo
➡️ kung may sipon o baradong ilong, sakit ng ulo at iba pang sintomas
➡️ kung naaksidente at tinamaan ang parte ng ulo
➡️ nakakasagabal sa araw araw na pamumuhay
‼️Karagdagan:‼️
✅️✅️Maaring i-training ang pang amoy para makatulong sa pag recover sa pamamagitan ng: pag amoy sa lemon, cloves, rose, at eucalyptus ng 10 - 20 seconds bawat isa na may pagitan sa pag aamoy sa bawat bagay. Habang inaamoy ay isipin kung ano ang amoy ng bawat isa. Gawin ito 2x a day, araw araw. Maaring umabot ng 3 - 6 months bago may maramdamang pagbabago sa pang amoy.✅️✅️
💊🩺💊🩺💊🩺💊🩺💊🩺💊🩺💊🩺💊🩺💊
May ENT concerns? Magpa consult alin man sa mga sumusunod na clinics:
MARIKINA:
PARANG Songcuan-Samson Medical Clinic SSMC Marikina 0960.382.5936
MALANDAY Dr. James Medical Clinic 0929.835.4492
SAN ROQUE Livewell Diagnostic Clinic 0968.204.0505
TAGUIG
COMEMBO Multispecialty Clinic 0905.563.0612
PATEROS
SAN ROQUE Roque Diagnostic Center 0917.899.4717
PASIG
SAN JOAQUIN Healthlock Medical Dental Diagnostic Services 0927.740.1890
NEAR ANTIPOLO / CAINTA / QC AREA
Livewell Diagnostic Clinic 0968.204.0505