04/08/2026
Mga nanay at tatay, lolo at lola, siguraduhing ligtas mula sa tigdas at rubella o tigdas-hangin ang inyong mga anak.
Mapanganib ang mga sakit na ito para sa mga batang wala pang 5 taong gulang! Ang tigdas ay nakamamatay at ang rubella naman ay maaaring magdulot ng congenital defects sa mga sanggol na maaaring humantong sa panghabambuhay na kapansanan.
Ngayong darating na Agosto, nakikiisa ang SAN MATEO MEDICAL CENTER, Department of Pediatrics sa pagsasagawa ng
Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) Campaign kasabay ng Vitamin A Supplementation.
Sama-sama nating protektahan ang kalusugan ng inyong mga anak na may edad 6 hanggang 59 na buwan-ang mga bakunang ito ay ligtas at epektibo.
Magaganap ang pagbabakuna ng MR at Vit. A supplementation sa San Mateo Medical Center sa AGOSTO 12, 2026 (9-12pm) .
Magparehistro na agad sa pamamagitan ng link sa baba or mag-text/tumawag lamang sa 09563722972.
https://forms.gle/pFJmEPTkVRySdSmm8
Mag-ingat din po tayo sa mga maling impormasyon at fake news tungkol sa bakuna.
Makinig at magtiwala lamang sa mga impormasyong nagmumula sa Department of Health, sa mga lokal na opisyal, at sa ating mga health care workers.
Huwag nating hintayin na magkasakit pa ang ating mga anak.
Siguraduhing sila ay Ligtas laban sa Tigdas!