10/08/2026
Measles Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA) sa Barangay Inhobol, Bukas na po❗❗❗ Sa ganap na 9:00 ng umaga. ❗❗❗
Kung kayo ay may anak na 6 na buwan hanggang 59 na buwan, halina at dalhin sila sa mga vaccination post/site na nakatalaga sa inyong purok at atin po silang pabakunahan sa ating mga vaccination team.💉
Ito ay karagdagang proteksyon laban sa tigdas at tigdas hangin, kumpleto man ang kanilang regular vaccine o hindi.💉
Kasabay ng suplemental na pagbabakuna sa tigdas, ay bibigyan din sila ng Vitamin A, karagdagang pampalakas ng resistensya ng ating mga anak.
Important Reminder: Mangyaring pakidala po ang kanilang mga immunization card. Salamat po.
Kitakits mga kabarangay!