08/05/2026
🐾 Ang rabies ay 100% naiiwasan, pero kapag nagkaroon na ng sintomas, maaaring ikamatay.
Kaya huwag balewalain kahit maliit na kagat o kalmot ng a*o, pusa, o ibang hayop. Hindi kailangang malalim ang sugat para maging delikado. Kahit simpleng kalmot o laway na napunta sa sugat ay maaari pa ring magdulot ng rabies.
❗ Kapag nakagat o nakalmot:
✔️ Hugasan agad ang sugat gamit ang sabon at dumadaloy na tubig sa loob ng 15 minuto
✔️ Lagyan ng antiseptic kung mayroon
✔️ Iwasan ang paglalagay ng toothpaste, kape, bawang, o anumang home remedy
✔️ Magpatingin agad sa Animal Bite Center para sa tamang bakuna at lunas
Mas mabuting maagapan. Protektahan ang sarili at pamilya laban sa rabies. 🩺🐶🐱
📍 A&V Animal Bite Center
Mga Serbisyo:
✔️ Pre-Exposure Anti-Rabies
✔️ Post-Exposure Anti-Rabies
✔️ Booster Anti-Rabies
✔️ Tetanus Toxoid
✔️ ERIG (infiltration)
🕗 Open daily | 8:00 AM – 7:00 PM
📞 0966-4800-209
💙 Maging maingat. Maging protektado.