31/08/2026
πSINO ANG DAPAT PABAKUNAHAN?
Lahat ng bata na may edad 6 buwan hanggang 59 buwan (4 years old at 11 months), kahit pa may bakuna na noon o wala pang bakuna laban sa tigdas. Isang karagdagang dose ito para sa mas matibay na proteksyon.
ππππππ ππππππ ππ-πππ ππππππππ ππππππππ πππππππππ 4, 2026! π’
Pinalawig ng Department of Health ang ating Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) o Ligtas Tigdas Campaign hanggang SEPTEMBER 4, 2026.
Layunin ng extension na ito na maabot pa ang lahat ng batang hindi pa nababakunahan at masiguro na WALANG BATANG MAIIWAN na walang proteksyon laban sa nakakahawa at mapanganib na sakit na Measles at Rubella.
SINO ANG DAPAT PABAKUNAHAN?
Lahat ng bata na may edad 6 buwan hanggang 59 buwan (4 years old at 11 months), kahit pa may bakuna na noon o wala pang bakuna laban sa tigdas. Isang karagdagang dose ito para sa mas matibay na proteksyon.
BAKIT ITO MAHALAGA?
Ang tigdas ay lubhang nakakahawa at maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon tulad ng pulmonya, pagkabulag, at pagkaantala ng paglaki ng bata. Ang pinakamabisang proteksyon ay ang kumpletong bakuna. Ang bakuna ay LIBRE, LIGTAS, at napatunayang EPEKTIBO.
Pumunta lamang sa inyong pinakamalapit na:
π Rural Health Unit (RHU)
π Barangay Health Station (BHS)
π Barangay Vaccination Post / Temporary Post
π At sa ating mga house-to-house vaccination teams
Magdala lamang ng Immunization Card / Baby Book ni baby at huwag kalimutang isama si nanay o tatay o guardian.
Huwag na nating hintayin pang magkasakit si baby bago kumilos. Kung hindi pa nabakunahan sa MR-SIA, pumunta na ngayong linggo.