19/05/2026
“Kung may itinanim, may aanihin.” 🌱
Last Sunday, I was informed na hinog na ang iba sa bunga ng mga saging na itinanim namin. Pinupuntahan na sya ng mga ibon. True enough, kahit naputol na namin ang saging, nagpunta pa rin ang mga ibon para balikan ang mga hinog na saging. Nakakatuwa lang na isipin na nagbunga na ang itinanim namin.
Sa negosyo, hindi agad nakikita ang bunga ng pagpupuyat, sakripisyo, at tamang diskarte. Pero bawat effort, bawat mabuting pakikitungo, at bawat tamang desisyon ay parang binhing itinatanim — darating ang panahon ng pag-aani. Kahit minsan, gusto mo nang sumuko sa tagal ng paghihintay ng bunga 💼✨
Ganun din sa kalusugan. Ang pagkain ng tama, pag-eehersisyo, sapat na pahinga, at pag-aalaga sa katawan ay investment na may magandang ani sa hinaharap. 💚
Maraming tao ang gustong umani ng tagumpay at magandang kalusugan, pero ayaw magtanim ng disiplina at consistency. Tandaan: hindi instant ang magandang ani. Kailangan itong alagaan araw-araw. 🌾
Kaya habang may panahon, magtanim tayo ng mabubuting habits, tamang mindset, at healthy lifestyle — dahil ang aanihin natin bukas ay bunga ng ginagawa natin ngayon.
“Whatever a man sows, that he will also reap.” — Galatians 6:7