27/07/2026
Sa isang magandang balita para sa mga residente ng Mulanay, opisyal nang kinilala bilang PhilHealth Accredited Pharmacy ang Mulanay Drug.
Dahil dito, mas madali, mas mabilis, at mas malapit nang makukuha ng mga benepisyaryo ng PhilHealth ang kanilang mga gamot na saklaw ng programa. Kailangan lamang dalhin ang Gamot App Prescription na inisyu ng RHU Mulanay at magtungo sa Mulanay Drug upang ma-avail ang libreng gamot. Layunin ng programang ito na mapalawak ang access ng publiko sa abot-kaya at dekalidad na serbisyong pangkalusugan.