07/07/2026
Tag-ulan na naman! Mag-ingat sa baha. ๐ง๏ธ
Ang leptospirosis ay maaaring makuha pagkatapos ma-expose sa baha o maruming tubig, lalo na kung may sugat o gasgas sa balat.
Kung lumusong ka sa baha may sugat man o wala at nakaranas ng lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng katawan o binti, pamumula ng mata, o matinding panghihina, huwag balewalain.
Mas mabuting magpakonsulta nang maaga.
โ ๏ธ Huwag basta uminom ng antibiotics nang walang payo ng doktor. Kailangan munang ma-assess nang maayos upang malaman ang tamang gamutan.
Para sa non-emergency concerns, available ang online consultation with Dr. Reymond Tolentino.
๐ฑ Magpa-book via PPD or NowServing:
โ
https://thefilipinodoctor.com/doctor/reymond-tolentino
โ
https://seriousmd.com/doc/reymond-tolentino
Kung may hirap sa paghinga, paninilaw ng mata o balat, kaunting ihi, pagdurugo, pagkalito, o sobrang panghihina, magpatingin agad sa pinakamalapit na emergency facility.
๐จ DOH: โWAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA๐จ
Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospirosis.
Kapag mali ang pag-inom, pwedeng mawalan ito ng bisa laban sa mga mikrobyo at maging mas mahirap gamutin ang simpleng impeksyon. Pwede itong humantong sa matagal o mas matinding pagkakasakit.
Nakadepende ang pag-inom ng doxycycline sa exposure o risk level ng taong nalubog sa baha.
Payo ng DOH, magpatingin sa doktor para sa tamang reseta sa paggamit ng antibiotic na ito.