Poblacion Health Center - Muntinlupa

Poblacion Health Center - Muntinlupa Giving “Health Education and Promotion” towards community awareness and health litteracy.

DOH: MAGING HANDA SA EPEKTO NG HAZE SA KALUSUGAN!Dahil sa hanging Habagat, umabot na sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas...
02/09/2026

DOH: MAGING HANDA SA EPEKTO NG HAZE SA KALUSUGAN!

Dahil sa hanging Habagat, umabot na sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ang usok mula sa forest fires sa Kalimantan, Indonesia.

Maaaring magdulot ang haze ng hirap sa paghinga, pag-ubo, pananakit ng dibdib, pangangati o pagluluha ng mga mata, at paglala ng mga sakit sa baga tulad ng hika. Dobleng pag-iingat ang kailangan para sa mga bata, matatanda, at mga may dati nang sakit sa baga o puso.

Habang nagpapatuloy ang banta ng haze, mag-suot ng mask kung lalabas ng bahay. Alamin ang lagay ng hangin sa inyong lugar at unahin ang kaligtasan. Maging handa sa banta ng Haze!




𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘  🚨𝐃𝐨𝐱𝐲𝐜𝐲𝐜𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐡𝐲𝐥𝐚𝐱𝐢𝐬 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐌𝐚-𝐄𝐱𝐩𝐨𝐬𝐞 𝐒𝐚 𝐁𝐚𝐡𝐚Kung ikaw ay na-expose sa baha o maruming tubig at may posib...
01/09/2026

𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 🚨

𝐃𝐨𝐱𝐲𝐜𝐲𝐜𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐡𝐲𝐥𝐚𝐱𝐢𝐬 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐌𝐚-𝐄𝐱𝐩𝐨𝐬𝐞 𝐒𝐚 𝐁𝐚𝐡𝐚

Kung ikaw ay na-expose sa baha o maruming tubig at may posibilidad na magkaroon ng leptospirosis:

💊 Ang Doxycycline prophylaxis ay dapat maibigay sa loob ng 24–72 oras matapos ang exposure, ayon sa payo ng health professional.

⚠️ Kung hindi ka nakapagpa-check o nakatanggap ng doxycycline sa loob ng 72 oras, o lumampas na sa 72 oras mula nang ma-expose, huwag mag-self-medicate.

👉 Kumonsulta agad sa iyong doktor o sa pinakamalapit na health facility para sa tamang pagsusuri, payo, at kinakailangang gamutan.

Tandaan: Mas ligtas ang maagap na pagkonsulta.
Huwag hintayin na magkaroon ng sintomas bago magpakonsulta.


𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬, 𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐥𝐮𝐩𝐚 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐁𝐚𝐬𝐞𝐝 𝐌𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦!Kinilala ng Department of Health (DOH) ang Community B...
01/09/2026

𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬, 𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐥𝐮𝐩𝐚 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐁𝐚𝐬𝐞𝐝 𝐌𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦!

Kinilala ng Department of Health (DOH) ang Community Based Mental Health Program ng lungsod at Poblacion Health Center sa nakaraang Public Health Convention for Mental Health: Empowering Minds, Strengthening Commitments Towards Ginhawa ng Isip at Damdamin.

Ang parangal ay pagkilala sa mahalagang ambag ng programa sa Medicine Access Program for Mental Health, kabilang ang epektibong pagpapatupad ng Electronic Logistics Management Information System (eLMIS) na nagsisiguro ng maayos na pamamahala ng gamot at supply para sa komunidad.

Patunay ito ng dedikasyon, husay, at malasakit ng Pamahalaang Lungsod sa pagsusulong ng mental health services para sa mga Muntinlupeño. Patuloy nating patitibayin ang adbokasiya para sa ginhawa ng isip at damdamin ng bawat isa.

Para sa libreng consultation, magpunta sa Community Based Mental Health Clinic:
📍 2nd Floor, Poblacion Health Center
🗓️ Monday to Friday (except holidays)
⏰ 8:00 AM – 5:00 PM (registration starts at 6:00 AM)

01/09/2026

Pwede ka bang magkaleptospirosis kahit walang nakikitang sugat sa balat?

PROTEKTAHAN ANG PAMILYA SA MALA-TRANGKASONG SAKIT NA MAY KASAMANG UBO AT SIPON O INFLUENZA-LIKE ILLNESSESDetalye sa comm...
01/09/2026

PROTEKTAHAN ANG PAMILYA SA MALA-TRANGKASONG SAKIT NA MAY KASAMANG UBO AT SIPON O INFLUENZA-LIKE ILLNESSES

Detalye sa comment section.



01/09/2026

Panoorin ang mga nakamamatay na kumplikasyon ng Leptospirosis. 🐀

May iba’t ibang paraan para planuhin kung kailan magbubuntis. May mga family planning method na maaaring gamitin nang pa...
01/09/2026

May iba’t ibang paraan para planuhin kung kailan magbubuntis.

May mga family planning method na maaaring gamitin nang panandalian o pangmatagalan, depende sa iyong pangangailangan at plano para sa pamilya.
Maaaring ihinto o ipatanggal ang mga ito kapag handa nang magbuntis.

Kumonsulta sa healthcare provider para malaman kung aling family planning method ang angkop para sa iyo.



‼️ HUWAG MALIGO O MAGLARO SA BAHA, NAKAMAMATAY ANG LEPTOSPIROSISPalala ng DOH, ang tubig-baha ay maaaring nakontamina ng...
01/09/2026

‼️ HUWAG MALIGO O MAGLARO SA BAHA, NAKAMAMATAY ANG LEPTOSPIROSIS

Palala ng DOH, ang tubig-baha ay maaaring nakontamina ng ihi ng mga infected na hayop, tulad ng daga, na sanhi ng Leptospirosis.

Kung ikaw ay lumusong o na-expose sa baha, may sugat man o wala, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na Health Center o YAKAP Clinic upang malaman kung kailangan mo ng doxycycline prophylaxis.

DOH: ‘WAG MALIGO O MAGLARO SA BAHA, NAKAMAMATAY ANG LEPTOSPIROSIS

Detalye sa comment section.



𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘Naitala ang UNHEALTHY Air Quality Index ngayong 8AM, September 1, sa Lungsod ng Muntinlupa.“Ang na...
01/09/2026

𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘

Naitala ang UNHEALTHY Air Quality Index ngayong 8AM, September 1, sa Lungsod ng Muntinlupa.

“Ang naobserbahang haze ay posibleng nauugnay sa usok at transboundary haze mula sa patuloy na mga sunog sa Kalimantan, Indonesia, na maaaring nadala patungo sa Pilipinas dahil sa umiiral na direksyon ng hangin,” ayon sa Muntinlupa City Department of Disaster Resilience and Management (DDRM).

Magsuot ng angkop na face mask (mas mainam ang N95 o katumbas nito) kapag kinakailangang lumabas sa mga lugar na kapansin-pansin ang haze.

Address

Rizal Street Cor. Burgos, Barangay Poblacion Muntinlupa City
Muntinlupa City
1772

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Poblacion Health Center - Muntinlupa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share