07/10/2026
π©Ί PROTEKTAHAN ANG PAMILYA LABAN SA MALA-TRANGKASONG SAKIT!
Ayon sa huling datos ng DOH noong September 29, 2026, umabot sa 72,735 ang naitalang kaso ng Influenza-like Illness (ILI) mula Enero hanggang Agosto ngayong taon. Bagamaβt mas mababa ito kumpara sa nakaraang taon, hindi pa rin tayo dapat ma kampante lalo na ngayong panahon ng sipon at trangkaso.
Maging maingat at sundin ang mga simpleng hakbang upang makatulong na maiwasan ang pagkalat ng virus:
β
Panatilihing maaliwalas ang bahay at mga lugar na madalas puntahan. Buksan ang mga bintana para sa sapat na daloy ng hangin.
β
Maghugas ng kamay nang madalas gamit ang sabon at malinis na tubig, lalo na bago kumain at pagkatapos umubo o bumahing.
β
Iwasang hawakan ang ilong, bibig, at mata upang maiwasang makapasok ang mga mikrobyo.
β
Takpan ang bibig at ilong kapag uubo o babahing. Gumamit ng tissue o panyo at agad itong itapon o labhan.
β
Kung may sintomas tulad ng ubo, sipon, lagnat o pananakit ng katawan, magpahinga muna sa bahay at iwasang makihalubilo upang hindi makahawa sa iba.
β
Panatilihing malakas ang katawan sa pamamagitan ng sapat na tulog, masustansyang pagkain at pag-inom ng sapat na tubig.
π¨ Kung nahihirapang huminga, mataas o patuloy ang lagnat, o may iba pang malubhang sintomas, magtungo agad sa pinakamalapit na health center o ospital.
Sama-sama tayong maging maingat at responsable upang maprotektahan ang ating sarili, pamilya, at komunidad laban sa mga sakit na mala-trangkaso. π