NAIC RHU Annex - Halang

NAIC RHU Annex - Halang Official FB Page of NAIC MUNICIPAL HEALTH OFFICE - ANNEX

29/08/2026

PAULIT-ULIT PO NAMIN IPINAALALA MULA SA NAIC MUNICIPAL HEALTH OFFICE NAIC:
MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT SA PAGLUSONG SA BAHA, LALO NA PO NGAYON NA WALANG TIGIL ANG PAG-ULAN.

Ang leptospirosis ay isang seryosong sakit at hindi po ito dapat balewalain. Kung maaari, iwasang lumusong sa baha lalo na kung hindi kinakailangan.

DOH: WALANG SUGAT PERO LUMUSONG SA BAHA? MAGPAKONSULTA PA RIN KONTRA SA LEPTOSPIROSIS!

Hindi kailangang may malaking sugat para magkaroon ng leptospirosis. Maaaring makapasok ang Leptospira bacteria sa katawan sa pamamagitan ng mata, ilong, bibig, o maliliit na sugat sa balat kapag lumusong sa baha na maaaring kontaminado ng ihi ng infected na hayop.

Kung kayo po ay lumusong sa baha, may sugat man o wala, mas mabuting magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health facility upang ma-assess at malaman kung kailangan ng gamot o prophylaxis.

⚠️ HUWAG BASTA-BASTA UMINOM NG DOXYCYCLINE.

Hindi ito angkop para sa lahat. Kabilang sa mga kailangang maingat na ma-assess ng health professional ang mga buntis, nagpapasuso, at mga batang wala pang 8 taong gulang. Kumonsulta muna bago uminom ng anumang gamot.

🚨 MAGPAKONSULTA AGAD KUNG MAKARANAS NG:
✅ Lagnat
✅ Pananakit ng ulo at katawan
✅ Pamumula o paninilaw ng mata
✅ Paninilaw ng balat (jaundice)
✅ Iba pang hindi pangkaraniwang sintomas matapos lumusong sa baha

Muli, mag-ingat po tayong lahat. Sa patuloy na pag-ulan at pagbaha, iwasan po natin ang hindi kinakailangang paglusong sa baha at agad na magpakonsulta kung kinakailangan.

Source: Department of Health (DOH)

27/08/2026

DOH: 'Wag matakot sa mga side effect ng bakuna. Ang mga ito ay normal lamang at madalang na mangyari.

Kung sakaling makaranas ng side effects, handa ang mga healthcare worker na tumugon sa mga ito.

Ang dapat ikatakot ay ang panganib ng Tigdas at Tigdas-hangin na maaaring humantong sa pagkaospital at kamatayan.

Pumunta sa pinakamalapit na health center o sumangguni sa nurse o midwife sa inyong barangay para sa pagbabakuna.



26/08/2026

DOH: ‘WAG MALIGO O MAGLARO SA BAHA; NAKAMAMATAY

Detalye sa comment section.



‼️GOOD NEWS‼️Balik Serbisyo na po muli ang YAKAP SERVICES.
26/08/2026

‼️GOOD NEWS‼️
Balik Serbisyo na po muli ang YAKAP SERVICES.

19/08/2026
‼️WALA PONG BAKUNA‼️
18/08/2026

‼️WALA PONG BAKUNA‼️

17/08/2026
17/08/2026

KILALANIN ANG MGA SINTOMAS NG TUBERCULOSIS

Detalye sa comment section.




RHU MAIN
17/08/2026

RHU MAIN

📢 PAALALA PO SA MGA MAGPAPA-ANTI RABIES 💉

Para po sa mga kabalikan na magpapa-Anti-Rabies bukas, Agosto 18, 2026 (Martes) 1:00 to 4:00 pm ng hapon, bukas po ang RHU para sa serbisyo.

⚠️ PAALALA: Limitado lamang po ang manpower bukas, kaya maaaring magkaroon ng kaunting paghihintay. Hinihiling po ang inyong pang-unawa at pasensya.

💉 LIBRE PA RIN PO ANG ANTI-RABIES
para sa:
• PWD
• Senior Citizen
• 4Ps
• Mga makakapagprisinta ng Barangay Certificate of Indigency

💰 Para naman po sa mga hindi kabilang sa nabanggit na kwalipikasyon, ang bayad ay ₱200 bawat shot, alinsunod sa ating Municipal Ordinance.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. ❤️

Address

375 A Halang Proper (Naic-Indang Road) Naic, Cavite
Naic
4110

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NAIC RHU Annex - Halang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share