Barangay Medico Nampicuan

Directions

Barangay Medico Nampicuan OFFICIAL PAGE !

BARANGAY ASSEMBLY – 2ND SEMESTER 2026Inaanyayahan ang lahat ng residente na makiisa sa ating Barangay Assembly na may te...
15/10/2026

BARANGAY ASSEMBLY – 2ND SEMESTER 2026

Inaanyayahan ang lahat ng residente na makiisa sa ating Barangay Assembly na may temang:

β€œTayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad.”

πŸ“ Venue: Barangay Hall Mini Gym
πŸ“… Date: October 17, 2026
πŸ• Time: 1:00 PM

Halina’t makiisa sa talakayan tungkol sa mga programa, proyekto, at mahahalagang usapin para sa ikauunlad ng ating barangay.

Ang inyong pakikilahok ay mahalaga! Sama-sama tayo para sa mas maunlad at ligtas na komunidad.

DENGUE FOGGING OPERATIONSa pangunguna ng ating mga Barangay Officials, at sa tulong ng Brgy. Captain ng Barangay Monic, ...
13/09/2026

DENGUE FOGGING OPERATION

Sa pangunguna ng ating mga Barangay Officials, at sa tulong ng Brgy. Captain ng Barangay Monic, Hon. Eduardo Jose, isinagawa ang fogging operation bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa ating barangay.

Layunin nito na makatulong sa pagpigil sa pagdami ng lamok na nagdadala ng dengue at maprotektahan ang kalusugan ng bawat pamilya.

Dengue, layas!
Linisin. Itapon. Takpan. Iwas Dengue.

Sama-sama nating panatilihing malinis ang ating paligid. Kilos ngayon, iwas dengue bukas!

Bayanihan para sa ligtas at dengue-free na komunidad.

4 O’Clock Habit: Hanapin at alisin ang mga pamugaran ng lamok.

PRESIDENTIAL SCHOLARS! BARANGAY MEDICO, NAMPICUAN, NUEVA ECIJAIsang taos-pusong pagbati sa ating limang (5) 4th Year Col...
06/09/2026

PRESIDENTIAL SCHOLARS! BARANGAY MEDICO, NAMPICUAN, NUEVA ECIJA

Isang taos-pusong pagbati sa ating limang (5) 4th Year College Students na mula sa ating barangay na napabilang sa mga benepisyaryo ng Presidential Scholarship sa ilalim ng β€œBawat Barangay Makikinabang Program" (BBMP) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang bawat iskolar ay makakatanggap ng β‚±20,000.00 na educational assistance upang makatulong sa kanilang pag-aaral at sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

- Del Rosario, Gerilyn
- Palarca, Marinelle
- Mata, Marian
- Cacal, Jonalyn
- Cacal, Marlon

Mag-aral nang mabuti at abutin ang inyong mga pangarap. Ang inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon ay nagsisilbing inspirasyon sa iba pang kabataan sa ating komunidad.

Muli, binabati namin ang ating limang (5) Presidential Scholars! Hangad namin ang inyong tagumpay at maliwanag na kinabukasan.



Maraming salamat po!Taos-pusong pasasalamat sa Bawat Barangay Makikinabang Program (BBM) sa 100 monoblock chairs at 2 ca...
03/09/2026

Maraming salamat po!

Taos-pusong pasasalamat sa Bawat Barangay Makikinabang Program (BBM) sa 100 monoblock chairs at 2 canopy na ipinagkaloob sa Barangay Medico.

Malaking tulong po ito sa ating mga programa, pagpupulong, at iba’t ibang aktibidad para sa ating mga kabarangay. πŸͺ‘β›Ί

Muli, maraming salamat po sa inyong suporta! Sama-sama para sa mas maunlad na Barangay Medico. ❀️

Para sa barangay, para sa bawat kabarangay! πŸ™



πŸ“’ Pabatid sa Lahat ng mga Residente ng Barangay Medico!Inaanyayahan po ang lahat na dumalo sa Barangay Assembly Meeting ...
25/10/2025

πŸ“’ Pabatid sa Lahat ng mga Residente ng Barangay Medico!

Inaanyayahan po ang lahat na dumalo sa Barangay Assembly Meeting bukas, Oktubre 26, 2025 (Linggo), ganap na alas-9:00 ng umaga sa Purok 6 Barangay Hall.

πŸ—£οΈ Tema:
"Araw ng Pakikibahagi: Solusyon at Aksyon ating Talakayin ngayong Barangay Assembly!"
Ito po ay pagkakataon nating lahat na makibahagi sa mga usaping pangkaunlaran ng ating barangay. Sama-sama nating pakinggan ang mga ulat, magbigay ng mungkahi, at makiisa sa mga proyekto para sa ikabubuti ng ating komunidad.

🀝 Kita-kits po tayo, mga kabarangay!

𝐌𝐒𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚π₯𝐚𝐦𝐚𝐭 | April 28, 2025Isinagawa ng masaya at maayos ang Misa pasasalamat sa pangunguna ni Rev. Fr. Bonifacio ...
28/04/2025

𝐌𝐒𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚π₯𝐚𝐦𝐚𝐭 | April 28, 2025

Isinagawa ng masaya at maayos ang Misa pasasalamat sa pangunguna ni Rev. Fr. Bonifacio Flores. Ang Misa ay isang pagkakataon ng pasasalamat sa mga biyayang natamo at gabay ng Diyos.

Address

Medico, Nueva Ecija
Nampicuan
3116

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Medico Nampicuan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share