17/09/2026
Ang NBBS Proper Health Center ay nakiisa sa pagdiriwang ng World Patient Safety Day ngayong Setyembre 17, 2026.
Sa isinagawang aktibidad, binigyang diin ang kahalagahan ng ligtas, maayos, at dekalidad na pangangalagang pangkalusugan.
Layunin ng ating aktibidad na:
Palawakin ang kaalaman tungkol sa kaligtasan ng pasyente
* Hikayatin ang regular na pagpapasuri at pag-monitor ng kalusugan.
* Itaguyod ang tamang pag-inom ng gamot at pagsunod sa mga payo ng health workers.
* Hikayatin ang aktibong pakikilahok ng pasyente at pamilya sa pangangalaga sa kalusugan.
* Palakasin ang pagtutulungan ng health workers at komunidad para sa ligtas na pangangalaga.
"Ang ligtas na pangangalaga ay karapatan ng bawat pasyente at responsibilidad nating lahat."