01/06/2026
𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗔!
Kaya naman mga magulang, lolo't lola, tito't tita, at mga tagapag-alaga, halina't makiisa! Dalhin ang mga batang edad 6 hanggang 59 buwan sa pinakamalapit na vaccination site sa inyong lugar.
✅ Ang pagbabakuna ay nagbibigay-proteksyon laban sa pagka-ospital at pagkamatay dulot ng Tigdas at Tigdas-hangin.
📍 Libre at madaling makuha ang bakuna sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.
🤝 At kung sakaling may maramdamang hindi pangkaraniwan pagkatapos mabakunahan. Huwag mag-alala handa ang ating mga health workers na umalalay at gumabay.
Dahil mas masaya ang kulitan, habulan, at laro kapag ligtas sa tigdas ang ating mga bata!
LIGTAS TIGDAS.
Handa. BakunaDOH. ProtektaDOH.