Sipac Health Center

Sipac Health Center Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sipac Health Center, Health & Wellness Website, 14 A. Santiago Street Sipac Almacen, Navotas.

19/08/2026

📢 ABISO NAVOTEÑO!

Ngayong Agosto 20, 2026 (Huwebes), operational ang mga sumusunod na Health Centers kasama ang Navotas Medical and Wellness Center, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM, Tanza Lying-In Clinic (24 hours) upang patuloy na makapaghatid ng serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan.

đź’Š Mayroon ding DOXYCYCLINE para sa mga kwalipikadong indibidwal na nangangailangan ng post-exposure prophylaxis laban sa leptospirosis, batay sa pagsusuri ng health professional. Ayon sa DOH, mahalagang magpakonsulta muna matapos ma-expose sa baha dahil nakadepende sa antas ng exposure ang kinakailangang hakbang.

⚠️ Kung kayo ay lumusong o na-expose sa baha, huwag balewalain ang inyong kalagayan. Magtungo sa pinakamalapit na Health Center para sa tamang assessment at payo ng ating mga health workers.

🏥 BUKAS NA HEALTH CENTERS (Walk-In Consults)
Tanza 2 (Pabahay) • San Roque • Sipac Bangkulasi • NBBS Proper • NBBS Dagat-Dagatan

TELECONSULTS THRU FB PAGE
NBBS Kaunlaran • NBBN • BBN • Bagong Lipunan • Tangos at Tanza1

💚 Navotas City Health Department — laging handang maglingkod para sa kalusugan ng bawat Navoteño!

19/08/2026

📢 ABISO NAVOTEÑO!

Ngayong Agosto 19, 2026 (Miyerkules), bukas ang lahat ng 12 Health Centers ng Navotas, kasama ang Navotas Medical and Wellness Center, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM, Tanza Lying-In Clinic (24 hours) upang patuloy na makapaghatid ng serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan.

đź’Š Mayroon ding DOXYCYCLINE para sa mga kwalipikadong indibidwal na nangangailangan ng post-exposure prophylaxis laban sa leptospirosis, batay sa pagsusuri ng health professional. Ayon sa DOH, mahalagang magpakonsulta muna matapos ma-expose sa baha dahil nakadepende sa antas ng exposure ang kinakailangang hakbang.

⚠️ Kung kayo ay lumusong o na-expose sa baha, huwag balewalain ang inyong kalagayan. Magtungo sa pinakamalapit na Health Center para sa tamang assessment at payo ng ating mga health workers.

🏥 12 HEALTH CENTERS:
Tanza 1 • Tanza 2 (Pabahay) • Tangos • San Roque • Bagong Lipunan • Sipac • Bagumbayan • Bangkulasi • NBBN • NBBS Proper • NBBS Kaunlaran • NBBS Dagat-Dagatan

💚 Navotas City Health Department — laging handang maglingkod para sa kalusugan ng bawat Navoteño!

17/08/2026

📢 PAALALA SA MGA NAVOTEÑO!

Bukas, Agosto 18, 2026 (Martes), bukas ang mga sumusunod na Health Centers mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM para patuloy na makapaghatid ng serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan:

🏥 Tanza 1 Health Center
🏥 Tangos Health Center
🏥 Bagong Lipunan Health Center
🏥 Bagumbayan Health Center
🏥 NBBN Health Center
🏥 NBBS–Kaunlaran Village Health Center

đź’Š Maaari rin pong makakuha ng DOXYCYCLINE sa mga nabanggit na Health Center para sa karagdagang proteksyon laban sa LEPTOSPIROSIS, alinsunod sa itinakdang pamantayan at gabay ng health authorities.

⚠️ Lalo na ngayong panahon ng pagbaha, maging maingat at unahin ang kaligtasan. Iwasang lumusong sa baha kung maaari. Kung kinakailangan, magsuot ng angkop na proteksyon at agad kumonsulta sa pinakamalapit na Health Center kung may nararamdamang sintomas.

Kalusugan ng bawat Navoteño, aming pangangalagaan!





12/08/2026

Ang SMART na pamilya Panalo!
Tara usap tayo sa Family Planning.

Ngayong Family Planning Month, iniimbitahan namin ang lahat sa libreng serbisyo ng Navotas Family Planning Program.

LIBRENG Subdermal Implant Insertion/Removal
Para sa kababaihang nais magpa-implant o magpa-remove ng implant nang ligtas at kumportable.

Saan: Tanza2 Pabahay Multi Purpose Hall
Kailan: August 17, 2026
Oras: 9:00 AM – 2:00 PM

Magpalista at makipag ugnayan sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar. May mga health personnel na gagabay sa proseso at magbibigay ng kinakailangang impormasyon.

28/07/2026

MAGANDANG BALITA, MGA KABABAIHAN NG NAVOTAS!

​Muli nating patunayan na mahalaga ang bawat buhay at pangarap!

Inaanyayahan po ang lahat ng babaeng kawani ng barangay sa ating

"BACK-2-BACK-2-BACK 2.0 IN WORKPLACE: BARANGAY EMPLOYEE" health event.
​Eksklusibo ito para sa inyo at may handog ding bakuna para sa inyong mga anak o kamag-anak! Narito ang mga detalye:
​
KAILAN: August 04, 2026 (Martes)
ORAS: 8:00 AM onwards
SAAN: 2nd Floor of Navotas City Convention Center
​SINO ANG MAAARING MAKIBAHAGI?
​Mga Babaeng Barangay Employee (30-49 taong gulang): Para sa inyong VIA (Cervical Cancer Screening).
​Mga Babaeng Kabataan (9-19 taong gulang): Bawat isang empleyado ay maaaring magsama ng 1-3 babaeng kabataan para sa kanilang libreng HPV vaccination.

​📋 ANO ANG MGA SERBISYO?
(Eksklusibo para sa mga kababaihan)
​✅ Cervical Cancer Screening (VIA)
âś… Treatment on VIA Positive
âś… HPV Vaccination (1st at 2nd dose)
âś… HIV Screening
âś… Family Planning
âś… PhilHealth YAKAP Registration

​ANO ANG DAPAT DALHIN?
​Para sa mga Barangay Employee (30-49 y.o.):
​PhilHealth ID o anumang Government-Issued ID

​Para sa mga Kabataan (9-19 y.o.) para sa HPV Vaccine:
​Kopyo ng Birth Certificate
​PhilHealth ID o anumang Government-Issued ID ng magulang o guardian

​Walang bayad ang mga serbisyong ito. Libre po para sa lahat!

​Sama-sama nating protektahan ang ating kalusugan. CERVICAL CANCER, TAPUSIN NATIN!

​Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa inyong Barangay Health Center o sa Navotas City Health Department.

​

06/06/2026

Address

14 A. Santiago Street Sipac Almacen
Navotas
1485

Opening Hours

Monday 8am - 5am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sipac Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share