22/08/2026
Alam mo ba na ang sakit sa baga ay nagsisimula sa walang nararamdaman? Kaya, pa-check ka lungs!
Ngayong buwan ng Agosto ay ipinigdiriwang natin ang National Lung Month na may temang: “Yes! Pilipinas can : Magpasuri, Magpagamot, at Magpa-TPTodo para Protektado.”
Sa pagpapatuloy ng ating layunin upang mabawasan ang pagdami at pagkalat ng sakit na Tuberculosis, hatid ng Municipal Health Office of Obando sa pakikipag-ugnayan sa Local Government Unit at Department of Social Welfare and Development ang Tuberculosis Awareness Forum. Layunin ng aktibidad na ito na magpalaganap ng kaalaman tungkol sa sakit ng Tuberculosis at hikayatin ang mga mamamayan sa bayan ng Obando lalo’t higit sa mga vulnerable population gaya ng 4Ps, Senior Citizen, people with comorbidities, at TODA drivers na magpasuri at makiisa sa active case finding upang mas mapaigting ang agarang pagpapasuri, pag-diagnose, at pagpapagamot laban sa sakit na Tuberculosis.
Para sa mga 4Ps members at household members, magkita-kita po tayo sa mga sumusunod na petsa para sa inyong Family Development Session (FDS):
August 24, 2026 (Barangay Paliwas 4Ps) - 9:00am at 2nd floor Municipal Building
August 25, 2026 (Barangay San Pascual 4Ps) - 9:00am at San Pascual Day Care Center
August 28, 2026 (Barangay Pag-asa 4Ps) - 1:00pm at Pag-asa Daycare Center
September 4, 2026 (Barangay Hulo 4Ps) - 9:00am at Hulo Daycare Center
Kasunod ay magsasagawa rin tayo ng LIBRENG CHEST X-RAY para sa mga Obandeñong edad 15 gulang pataas sa September 10, 2026 sa ating Obando Rural Health Unit na magsisimula ng alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.