24/06/2026
Mapagpalang araw po sa inyong lahat.
Ako po si Jason Roy Agustin Lumbre, 32 years old, CKD Warrior, at isang ama.
May iisang pangarap ang masubaybayan ang bawat hakbang ng paglaki ng aming anak na si Allelie, at mabigyan siya ng maayos na kinabukasan.
Ngunit sa murang edad na 28, nagsimula ang laban ko sa Chronic Kidney Disease Stage 5. Mula noon, naging bahagi na ng buhay ko ang dialysis tatlong beses sa isang linggo. Sa bawat sandaling akoβy sumasailalim sa dialysis, hindi ko maiwasang mapaisip:
βMay sapat pa kayang panahon para makita ko ang lahat ng pangarap ng anak ko? Makakasama ko pa kaya siya sa bawat yugto ng kanyang paglaki?β
Masakit isipin na maaaring hindi ko masubaybayan ang bawat hakbang niya ang kanyang pag-aaral, mga pangarap, at ang unti-unti niyang paglaki. Bilang ama, iyon ang pinakamabigat na laban ang takot na hindi makasama ang anak sa mga mahahalagang yugto ng kanyang buhay.
Pero hindi ako susuko.
Patuloy akong lumalaban, hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa pamilya ko lalo na sa nag-iisa naming anak. Pangarap kong makapag kidney transplant, upang muling manumbalik ang aking lakas at sigla, makapagtrabaho muli, maranasan ang isang normal na buhay, at masubaybayan ang aming anak.
Higit sa lahat, gusto kong makabawi sa mga taong patuloy na sumusuporta at hindi ako iniwan sa panahon ng aking pagsubok.
Ngayon po, ako ay kumakatok sa inyong mga puso. Sa pamamagitan po ng T-shirt for a Cause Fundraising, inyong mga donasyon, at higit sa lahat, ang inyong mga panalangin.
Ang bawat T-shirt na inyong bibilhin at anumang halaga ng donasyon na inyong ibibigay ay napakalaking tulong para sa aking dialysis needs, maintenance medicines, at paghahanda sa aking kidney transplant.
Maaari din po ninyo akong i-message para sa orders ng T-shirt o kung nais ninyo pong magbigay ng donasyon. Malaking tulong din po ang simpleng pag-share ng post na ito upang mas marami pa ang makarinig ng aking kwento.
Sa bawat tulong ninyo, mas napapalakas ninyo ang aking pag-asa na maipagpatuloy ang laban.
π GCash (para sa inyong donasyon):
ANDREA MARIE B. LUMBRE
0905 427 9902
Maraming salamat po sa inyong kabutihan, malasakit, at panalangin. Nawaβy ang Diyos ang magbalik sa inyo ng mas marami pang biyaya at pagpapala. πβ€οΈ