Brgy. Kaparangan BHERT

Brgy. Kaparangan BHERT Barangay Health Emergency Response Team

29/12/2025
29/12/2025

Muling ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na istriktong ipinatutupad sa Pilipinas ang RA No. 7183 o ang batas na nagreregula sa pagbebenta, paggawa, at paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic devices.

Kaakibat naman ng tradisyong pinoy ng pagsalubong sa bagong taon, ipinapayo ang paginom ng mga bitamina upang mapalakas ang immune system dahil madalang maiwasan ngayon ang pakikisalamuha sa kapwa, kasama na diyan ang ating nakagawiang pagpupuyat sa gabi bago sumapit ang bagong taon.

Bukod dito, dapat din nating isaisip na ang pagkain ng sobra ay hindi maganda sa ating kalusugan. Ipinapayo na iwasan ang pagkain ng sobrang matataba at masesebong pagkain. Hindi rin maganda sa kalusugan ang sobrang pagkain ng matatamis pati na ang pag-iinom ng alak at paninigarilyo.

Gawing ligtas, masaya, at makulay ang pagsalubong sa bagong taon. Gawin ito ng tama upang maiwasan ang biglaang pagbisita sa ospital.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng ligtas at malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


28/12/2025
22/12/2025

Sa likod ng mga tradisyong pinoy na ating nakagawian tulad ng paghahanda ng mga pagkain, ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na istriktong ipinatutupad sa Pilipinas ang RA No. 7183 o ang batas na nagreregula sa pagbebenta, paggawa, at paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic devices.

Ipinapayo rin ang paginom ng mga bitamina upang mapalakas ang immune system dahil panahon panahon ngayon ng pagtitipon na kung saan ay madalang maiwasan ang pakikisalamuha sa kapwa, kasama na diyan ang ating nakagawiang pagpupuyat sa gabi bago sumapit pasko at bagong taon.

Bukod dito, dapat din nating isaisip na ang pagkain ng sobra ay hindi maganda sa ating kalusugan. Ipinapayo na iwasan ang pagkain ng sobrang matataba at masesebong pagkain. Hindi rin maganda sa kalusugan ang sobrang pagkain ng matatamis pati na ang pag-iinom ng alak at paninigarilyo.

Gawing ligtas, masaya, at makulay ang pagsalubong ng pasko at bagong taon. Gawin ito ng tama upang maiwasan ang biglaang pagbisita sa ospital.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng ligtas at malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


08/12/2025

ALAM NIYO BA?
Isa sa mga tungkulin ng ating baga ay magbigay ng oxygen sa ating dugo at tisyu sa katawan. Isang malaking parte ng ating sistema upang maayos na mapagana ang bawat bahagi at organo ng ating katawan. Dahilan upang mas lalo pa nating ingatan at pahalagahan ang ating mga baga.

Kaya naman ngayong Lung Cancer Awareness Month muling paalala ng Bataan Provincial Health Office na:
-Huwag manigarilyo upang sarili at mga mahal sa buhay ay maiiwas sa banta ng cancer

-Iwasan na makalanghap ng usok mula sa sigarilyo ng iba, usok mula sa nasusunog na bagay, at usok mula sa mga sasakyan

-Protektahan ang sarili mula sa mga delikadong kemikal na nakahalo sa hangin; ipinapayo pa rin ang tamang pagsuot ng facemask; at

-Pasiglahin ang inyong baga sa natural na paraan gaya ng regular na pag-eehersisyo at pagkain ng masusustansya

-Magtungo sa pinakamalapit na primary care facility o barangay health station sa inyong lugar sakaling may hindi normal na nararamdaman.

Tandaan, ang cancer na maagang natuklasan ay mas madaling gamutin kumpara sa cancer na umabot na sa malalang yugto.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at smoke-free na komunidad para sa malusog na baga ng bawat miyembro ng pamilyang Bataeño.

Address

Kaparangan, Bataan
Orani
2112

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Kaparangan BHERT posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Brgy. Kaparangan BHERT:

Share