17/08/2026
Alam mo ba…
na ang baha ay hindi lang nakaka-abala sa byahe — pwede rin itong maging banta sa kalusugan ng buong pamilya?
Narito ang dapat mong tandaan tuwing tag-ulan:
🦠 Leptospirosis — nakukuha ito sa baha na may ihi ng daga. Iwasan ang paglusong kung may sugat sa paa, at magsuot ng bota kung kailangan talaga.
🩹 Alagaan ang mga sugat — kahit maliit na gasgas, linisin agad at takpan. Ang tubig-baha ay madaling makapasok sa bukas na sugat.
💊 Bantayan ang gamot mo — kung may maintenance ka, siguraduhing tuyo at ligtas ang lagayan ng gamot. Wag palampasin ang oras ng inom kahit nasa evacuation center.
🧼 Hygiene muna — maghugas ng kamay bago kumain, at mag-sanitize lalo na pagkatapos lumusong sa baha. Kung maari ay maglagay ng mga essentials — sabon, alcohol, at wet wipes sa iyong bag.
🩸I-check ang blood pressure — biglaang pagbabago ng panahon at stress ng baha ay pwedeng magpataas ng BP.
Libre ang blood pressure check dito sa Happy Med Pharmacy — bisitahin niyo kami!
🌿 Vitamins — palakasin ang resistensya lalo na ng mga bata at matatanda sa panahon ng baha.
Ito ay munting paalala mula sa:
📍 Happy Med Pharmacy, Plaza Mauhay, Sambat, Padre Garcia.
Sa tapat po ng Shell