23/05/2026
📢 PAUNAWA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY Dingin
Ipinababatid po sa lahat na ang Pagsanjan Rural Health Unit ay magsasagawa ng Health Screening at Konsultasyon sa ilalim ng PhilHealth YAKAP (Yaman ng Kalusugan) Program para sa mga rehistradong benepisyaryo.
📅 Petsa: May 26, 2026
📍 Lugar: Barangay Dingin
Layunin ng programang ito na magbigay ng libreng primary care consultation, health screening, at assessment upang masiguro ang maayos at tuloy-tuloy na pangangalaga sa kalusugan ng ating mga kabarangay.
Inaanyayahan po ang lahat ng rehistradong benepisyaryo na makiisa at samantalahin ang serbisyong ito para sa inyong kalusugan.
Maraming salamat po. 💙