04/09/2026
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng Ligtas Tigdas Campaign!
Ang Ligtas Tigdas ay tagumpay ng bawat isa. Bawat bakuna, bawat impormasyong naibahagi, at bawat batang naprotektahan ay bunga ng ating sama-samang pagkilos at malasakit.
Sa pagtatapos ng kampanyang ito, ipagpatuloy natin ang ating sama-samang pagkilos upang maprotektahan ang kalusugan ng bawat bata sa CaLaBaRZon.
Maraming salamat, mga Bida sa Ligtas Tigdas!
Para sa bawat bata. Para sa bawat pamilya. Para sa mas ligtas at mas malusog na Pilipinas.
Regional Director Adriano Suba-an
Assistant Regional Director Rosa Maria Balisnomo-Rempillo