11/04/2026
Noong Marso 2026, matagumpay na isinagawa ang Capacity Building on Mental Health Awareness, Resilience, and Psychosocial Support para sa mga g**o, school staff, PTAs, at piling SELG at YES-O Officers ng Mananao Elementary School.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa pagtugon sa mga isyung pangkalusugang pangkaisipan, pagpapalakas ng resiliency, at pagbibigay ng angkop na psychosocial support sa loob ng paaralan at komunidad.
Sa pamamagitan ng patuloy na pakikiisa at edukasyon, sama-sama nating itinataguyod ang isang ligtas, suportado, at mentally healthy na kapaligiran para sa bawat mag-aaral at g**o.