05/08/2026
📢 Sama-sama para sa Proteksyon ng Bawat Bata! 💙
Bilang tagapagtaguyod ng tamang impormasyon sa kalusugan, hinihikayat namin ang bawat magulang at tagapag-alaga na suportahan ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA).
Ang bakuna laban sa tigdas at rubella ay ligtas, epektibo, at libre. Sa pamamagitan ng inyong pakikiisa, masisiguro nating protektado ang ating mga anak at mas matatag ang kalusugan ng ating mga komunidad.
Ang tamang kaalaman ay nagliligtas ng buhay. Ang pagbabakuna ay nagbibigay ng proteksyon. Sama-sama nating isulong ang MRSIA para sa isang mas malusog na kinabukasan. 💉