11/10/2026
ANNOUNCEMENT | BREAST CANCER SCREENING
Ngayong Pink October, bigyang-prayoridad natin ang ating breast health. Ang Parañaque City Health Office, sa pakikipagtulungan ng Healthway Cancer Care Hospital, ay magsasagawa ng Breast Cancer Screening at Referral para sa mga qualified na kababaihan sa Parañaque.
Breast Cancer Screening at Referral
Oktubre 13–29, 2026
Tuwing Martes at Huwebes
SINO ANG MAAARING MAGPA-SCREEN?
1. Mga babaeng edad 50–69 na nakatakda na para sa breast cancer screening at maaaring kwalipikado para sa mammography ayon sa naaangkop na PhilHealth guidelines.
2. Mga babaeng high-risk na edad 40–49, lalo na ang may first-degree relative—ina, kapatid na babae, o anak na babae—na nagkaroon ng breast cancer. Maaaring kailanganin ang karagdagang assessment at breast ultrasound, kung clinically indicated.
MAHALAGANG PAALALA, kinakailangang:
- Miyembro ng PhilHealth
- Naka-enroll sa isang Primary Care Facility bilang kanilang YAKAP Provider
Ang mga kababaihang nais magpasuri ay maaaring magtungo sa kanilang Health Center para sa Clinical Breast Examination (CBE) at assessment. Batay sa kanilang edad, risk factors, at resulta ng pagsusuri, maaaring i-refer ang mga kwalipikadong kababaihan para sa naaangkop na breast cancer screening.
Hindi sigurado kung qualified?
Magtungo sa inyong Barangay Health Center para sa Clinical Breast Examination (CBE) at karagdagang assessment. Ang ating mga health worker ang gagabay sa inyo sa naaangkop na screening at referral batay sa inyong kalagayan at risk factors.
Mahalaga ang early detection.
Ang regular na pagsusuri at agarang pagpapatingin kapag may napansing pagbabago sa suso ay makatutulong sa early detection at paggamot sa breast cancer.
Magpasuri. Magpa-screen. Alagaan ang sarili.
Malusog na Kababaihan, Mas Maliwanag na Kinabukasan!
Parañaque City Government