20/10/2026
🫁 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐈𝐑𝐀𝐓𝐎𝐑𝐘 𝐂𝐀𝐑𝐄 𝐖𝐄𝐄𝐊: 𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐇𝐢𝐧𝐠𝐚, 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚.
Madalas bang umubo? Madaling hingalin? May wheezing o paninikip ng dibdib? Huwag balewalain ang mga sintomas. Alamin kung kailan dapat magpakonsulta at kung anong mga pagsusuri ang maaaring irekomenda ng doktor.
𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧:
✅ Persistent Cough: Kung ang ubo ay hindi nawawala, magpakonsulta sa doktor. Maaaring irekomenda ang chest X-ray o sputum test depende sa iyong sintomas.
✅ Hirap sa Paghinga: Kung madalas kang hingalin kahit sa pang-araw-araw na gawain, magpakonsulta para sa oxygen level check at medical assessment.
✅ Ubo na may Lagnat: Kung may kasamang lagnat o pananakit ng dibdib, magpatingin upang matukoy ang posibleng sanhi at ang angkop na gamutan.
✅ Paulit-ulit na Wheezing o Paninikip ng Dibdib: Magpakonsulta upang masuri ang iyong paghinga. Maaaring irekomenda ang spirometry o lung function test kung kinakailangan.
💡 Tandaan: Hindi pare-pareho ang pagsusuri para sa bawat sintomas. Kumonsulta sa doktor upang malaman kung anong test ang angkop para sa iyo.
Ngayong Respiratory Care Week, alagaan ang iyong baga at pahalagahan ang bawat hininga.
For inquiries, contact:
Telephone: 8776-0646 to 51 local 7000
Mobile: 0998 520 7295
Email: [email protected]
Location: 175 Doña Soledad Avenue, Better Living Subdivision, Parañaque City
Stay updated! Follow us on our social media:
Facebook: https://www.facebook.com/paranaquedoctorshospitaluhbi
Instagram: https://www.instagram.com/paranaquedoctorshospital/
Viber Community: https://invite.viber.com/...
Website: https://pdh.com.ph/