21/09/2020
Kamusta kaibigan? Nakakapagod, nakakapanghina, nakakawala ng loob at tamang pag-iisip at!... nakakawindang itong Pandemya anoh? Ang magandang balita kaibigan, di ka nagiisa...marami tayong mga Pilipino ang dumaranas ng ganitong sitwasyon...ang importante ay mahalaga...mahalagang buhay na buhay tayo...😅😄
Para sa akin, pipiliin kong ibaling ang aking pag-iisip at pagbubulay bulay sa mga magagandang bagay at positibong bagay para maibsan ang aking nararamdaman at maging kaaya aya ang paningin sa buhay. Samahan mo ako kaibigan sa pagtalakay ng mga ito, para ating gawing inspirasyon ngayong linggo at sa mga susunod na mga araw.
Sabi sa Roma 5:3-4, hindi lang sa mga magagandang pangyayari sa ating buhay tayo ay nagmamalaki, pwede po nating ipagmamalaki kung dumadanas tayo ng paghihirap dahil alam natin na ito'y nagbubunga ng pagtitiis...Ang pagtitiis ay nagbubunga ng magandang ugali...At ang magandang ugali ay nagbubunga ng pag-asa.
Pag-asa, tama ka kaibigan...dahil kasama natin si Hesus, mas nakakaluwag ng damdamin at pananaw sa buhay...kaya magtiwala lang...Lilipas din ang Unos..
Ano man ang ating pinagdadaanan ngayon, bukas, at sa makasunod, tandaan nating meron tayong Poong Maykapal na gising na gising at sumusubaybay sa mga pangyayari sa mundo.
Magtiwala lang Kaibigan...Lilipas din ang Unos. Nawa'y nakagpagbigay sa iyong puso at isipan ng kaginhawaaan at pag-asa ang ating pagbubulay-bulay ngayong araw.
Pagpalain ka Kaibigan! 🥰
.ph