Doc Liza Ramoso-Ong

Doc Liza Ramoso-Ong Official Page of Dr Liza Ong. Doc Liza shares her health tips, including cooking and family tips.

Kailan Dapat UMINOM NG TUBIG? Tamang Oras Para Makagaling sa Sakit.By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)Alamin ...
13/08/2026

Kailan Dapat UMINOM NG TUBIG? Tamang Oras Para Makagaling sa Sakit.
By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)

Alamin ang Paliwanag:

Kailan Dapat UMINOM NG TUBIG? Tamang Oras Para Makagaling sa Sakit....

13/08/2026
13/08/2026

Bakit Pumapayat ang Katawan Pag Tumatanda. Ito Dapat Kainin.
By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)

Panoorin ang Video:

Bakit Pumapayat ang Katawan Pag Tumatanda. Ito Dapat Kainin. By Do...

May Body Odor, Paano Maaalis?Payo ni Doc Willie OngMay kilala ba kayong may body odor o may amoy ang katawan? Ang amoy a...
13/08/2026

May Body Odor, Paano Maaalis?
Payo ni Doc Willie Ong

May kilala ba kayong may body odor o may amoy ang katawan? Ang amoy ay nagmumula sa naghalong pawis at bacteria sa katawan. Ngunit huwag mag-alala dahil mayroon tayong mga tips para matanggal ito:
1. Maligo araw-araw. Sabunin at kuskusin ang buong katawan, lalo na ang mga lugar na madalas mangamoy.
2. Hugasan ang kili-kili, singit at paa ng 2 beses sa isang araw. Ibang klase ang pawis na lumalabas sa mga parteng ito at may amoy.
3. Gumamit ng sabon. Pumili ng sabon na babagay sa iyo. Puwedeng subukan ang anti-bacterial na sabon.
4. Maglagay ng kontra sa pawis o antiperspirants sa kili-kili. Puwede ang tawas, roll-on, baking soda, at iba pa. Hanapin kung ano ang mas epektibo para sa iyo.
5. Subukan ang alcohol sa kili-kili at paa. Kapag napatay ang mikrobyo, mababawasan din ang amoy.
6. Umiwas sa pagkaing spicy at maaanghang. Umiwas din sa mga bawang, sibuyas, curry at maamoy na isda. Alam ba ninyo na ang amoy nito ay lumalabas sa ating pawis? Kung mahilig ka sa sawsawang sili, s**a, patis at bagoong, baka mangamoy din.
7. Uminom ng 8-12 basong tubig, para luminis ang iyong katawan.
8. Magsuot ng cotton at linen na baro, pantalon at underwear. Mas mabilis matuyo ang pawis sa cotton at linen na tela. Umiwas sa mga nylon na baro. Mas mainam din kung maluwag ang kasuotan.
9. Labhan maigi ang mga baro. Magpalit ng baro at medyas araw-araw. Kapag mabango ang iyong baro, mas hindi ka mangangamoy. Huwag ulit-ulitin ang baro.
10. Huwag masyadong magpawis. Kung alam mong may meeting ka sa hapon ay huwag nang mag-ehersisyo o dumako sa maiiinit na lugar sa umaga. Kapag pinawisan ka ay mangangamoy na. Magbaon ng extrang baro at medyas.
11. Magrelaks lang, Kapag kinakabahan ka, lalo kang papawisan.
12. Magpakonsulta sa doktor kapag may body odor pa rin. May mga espesyal na deodorant na binibigay ang mga doktor. Kailangan din masuri ng doktor kung may iba kang sakit tulad ng goiter, nerbiyos o talagang mapawisin ka lang.

MGA SAKIT NG LALAKIPayo Ni Doc Willie Ong1. Headache – Ang karamihan ng sakit ng ulo ay dahil sa stress o iyung tinatawa...
13/08/2026

MGA SAKIT NG LALAKI
Payo Ni Doc Willie Ong

1. Headache – Ang karamihan ng sakit ng ulo ay dahil sa stress o iyung tinatawag na tension headache. Su¬bukan ang acupressure massage. Dahan-dahan lang ang pagmamasahe.
(1) Masahihin ang magkabilang sentido (sa harap at taas ng tainga).
(2) Pisilin ang balat sa taas ng ilong at masahihin paitaas. Gawin ito nang maraming beses.
(3) Masahihin ang noo sa ibabaw ng kilay mula sa gitna at papalabas.
(4) Masahihin din ang mabilog na buto sa likod ng tainga.
(5) Pisilin ang malaman na parte sa pagitan ng una at pangalawang daliri.
Paalala lang: Huwag na huwag ipapamasahe ang iyong batok, sa likod ng leeg at sa harap ng leeg. Marami na ang naparalisa (paralyze) dahil diyan. Mag-ingat.
2. Insomnia – Uminom ng mainit na chamomile tea with honey sa gabi. Langhapin ang usok nito. Ang chamomile ay nagpapa-relax ng katawan. Kumain din ng isang saging sa gabi. Ang saging ay may tryptophan na nagtatanggal ng stress. Nabibili ang chamomile tea sa mga supermarket.
3. Diabetes – Ang solusyon sa diabetes ay ang pagmo-monitor ng iyong blood sugar. Matutong gumamit ng blood sugar test. Nagkakahalaga ito ng mga P3,000. Kapag nagpapa-check ng blood sugar, tusukin ang pinakamaliit na daliri, sa may tagiliran nito. Mas kaunti ang nerve fibers dito at hindi gaano masakit. Ang normal na fasting blood sugar ay 100 mg/dl o 5.5 mmol/L o mas mababa pa. Umiwas lang sa dalawang bagay: Matataba at matatamis. Iyan lang ang bawal sa may diabetes.
4. Cancer – May mga pagkain na panlaban sa kanser. Para makaiwas sa prostate cancer, kumain ng 10 kut¬sarang spaghetti sauce bawat linggo. Para umiwas sa lung cancer¬, kumain nang maraming kamote. Kapag ang isang tao ay wala pang kanser, ang pinakamagandang kainin ay ang tatlong K: kamatis, karrots at kalabasa. Pwede din ang mga ito: green tea, curry powder, bawang, sibuyas, sibuyas dahon (leeks), repolyo, cauliflower, tofu o tokwa, at talong. Damihan ang pagkain ng anti-cancer foods at bawasan ang mga karne at taba.
Paalala: Sa mga sakit na nabanggit, kailangan pa ring magpa-check-up sa doktor para masuri kayo ng mabuti. Mga dagdag kaalaman lang ang aking naibigay. Good luck po.

Colon Cancer: 6 Babala na Madalas Binabalewala—Huwag Hintayin Lumala - By Doc Willie OngAlamin ang Paliwanag:
12/08/2026

Colon Cancer: 6 Babala na Madalas Binabalewala—Huwag Hintayin Lumala - By Doc Willie Ong

Alamin ang Paliwanag:

Colon Cancer: 6 Babala na Madalas Binabalewala—Huwag Hintayin Lumal...

Address

Pasay City
1300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doc Liza Ramoso-Ong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share