16/09/2026
PINAGALING KA NG DIYOS—HUWAG MONG KALIMUTANG PURIHIN ANG NAGPAGALING SA’YO
📖 Acts 3:1–10
INTRODUCTION
Ang lalaking pilay ay matagal nang hindi nakakalakad at araw-araw ay dinadala sa pintuan ng templo upang mamalimos. Ngunit isang araw, nakilala niya sina Peter at John, at sa pangalan ni Jesus Christ of Nazareth, siya ay gumaling.
Ang kanyang response ay napakaganda: tumayo siya, lumakad, lumukso, at pumasok sa templo na nagpupuri sa Diyos.
Hindi niya kinalimutan kung sino ang nagbigay sa kanya ng bagong buhay.
1. MAGPASALAMAT SA BLESSING NG DIYOS
A. Kilalanin kung sino ang pinagmulan ng pagpapala Acts 3:6
B. Magpasalamat sa lahat ng bagay
1 Thessalonians 5:18
C. Ibalik sa Diyos ang kaluwalhatian Psalm 115:1
2. MAGLAAN NG PANAHON PARA SA PANGINOON
A. Pumasok siya sa templo Acts 3:8
B. Huwag pabayaan ang pagtitipon Hebrews 10:25
C. Unahin ang mga bagay ng Diyos Matthew 6:33
3. GAMITIN ANG BAGONG LAKAS PARA SA DIYOS
A. Lumakad at nagpuri Acts 3:8
B. Maglingkod nang buong puso Colossians 3:23
C. Gamitin ang buhay para sa kaluwalhatian ng Diyos 1 Corinthians 10:31
CONCLUSION
Pinagaling siya ng Diyos, at hindi niya kinalimutan ang Diyos pagkatapos ng blessing.
Baka marami na rin tayong natanggap:
✅Kagalingan.
✅Proteksyon.
✅Provision.
✅Answered prayers.
✅Bagong pagkakataon.
Pero ang tanong:
Pagkatapos ng blessing, nasaan ka na?
Huwag nating alalahanin ang Diyos kapag may kailangan lamang. Kapag pinagpala tayo, lalo tayong lumapit, sumamba, magsimba, maglingkod, at magbigay ng panahon sa Panginoon.
Gaya ng lalaking pinagaling—ang kanyang mga paa ay gumaling, at ang unang direksyon ng kanyang mga hakbang ay patungo sa templo upang magpuri sa Diyos.
God bless! 🙏