02/09/2026
Dati akong isang simpleng ina—bahay at pamilya lang ang ikot ng mundo ko habang nagpapalaki ng walong anak. High school lang ako dahil maaga akong nag-asawa, kaya mulat ako sa tunay na kayod ng buhay.
Dahil sa hirap ng buhay at sa kagustuhang mapag-aral ang mga anak ko, pumasok ako sa lahat ng pwedeng raket. Nag-Avon ako, nagpatakbo ng canteen, at nagtinda sa palengke.
Naitawid ko naman ang pag-aaral ng mga anak ko, pero sa sobrang pagod at pagsisikap, kalusugan naman namin ang nagbayad. Marami akong naipong sakit, at pati ang anak ko ay nagkakasakit na rin. Napakahirap palang kumikita ka nga para sa pamilya, kapalit naman ay ang kalusugan niyo.
Hanggang sa maipakilala sa akin ang Lifestyles products. Sinubukan namin ito, at doon ko mismo nakita at naramdaman ang magandang epekto nito sa aming kalusugan.
Dahil doon, napag-isipan ko na hindi lang pala ito basta produkto—isa ring napakagandang oportunidad ng negosyo na pwedeng makatulong sa aming pamilya.
Ngayon, buong-puso ko nang ginagawa ang negosyong ito. Nagbago ang pananaw ko sa buhay at mas sigurado na ako sa kalusugan at kinabukasan ng pamilya ko.
Masayang-masaya ako dahil may pagkakataon na akong tumulong at magbahagi ng pag-asa sa iba—lalo na sa mga kapwa ko ina na may malalaking pangarap pa para sa kanilang pamilya.
Ate Bing