16/07/2026
πππππ ππππ πππππππ ππππππππ
(πππ©ππ«ππ¦ππ§π π¨π πππ¬ππππ«π’ππ¬ ππ§π ππ²π§πππ¨π₯π¨π π²)
ππππππππ
Ipinapabatid po sa publiko na isasailalim sa nakatakdang paglilinis at infection control procedures ang Obstetrics (OB) Internal Examination Room, OB Admitting Section, at OB Labor Room-Delivery Room Complex ng Pasig City General Hospital (PCGH).
Kaugnay nito, pansamantalang isasara sa publiko ang mga nabanggit na pasilidad simula sa Biyernes, July 17, 2026, sa ganap na 12:00MN, hanggang sa Linggo, July 19, 2026, sa ganap na 11:59PM.
Tanging mga pasyenteng nangangailangan ng agarang pagpapaanak at mga nasa kritikal na kalagayan ang maaaring tanggapin sa mga nabanggit na petsa.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa panuntunan ng Infection Prevention and Control Unit ng PCGH upang matiyak ang kalinisan, kaligtasan, at mataas na kalidad ng serbisyong medikal para sa lahat ng pasyente at kawani ng nasabing ospital.
Samantala, muling magbubukas sa publiko ang mga pasilidad sa Lunes, July 20, 2026, sa ganap na 12:00MN.
Kami po ay humihingi ng paumanhin sa anumang abala na maaaring idulot nito. Lubos po naming pinahahalagahan ang pagpapanatili ng malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran sa ating ospital.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.