Patnanungan Rural Health Unit

Patnanungan Rural Health Unit The municipality of Patnanungan is part of the Polillo Group of Islands located at the northern part of Quezon Province.

The Rural Health Unit of Patnanungan serves as a primary care facility and aims to improve the health status of the community.

16/07/2026

Magandang Umaga po sa lahat. Ang RHU Patnanungan ay pansamantala po munang hindi magsasagawa ng check-up at bibigyang daan po muna ang ating blood donation ngayong araw. Tanging mga emergency at urgent cases lamang po muna ang tatanggapin ngayong araw.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa

15/07/2026

Sama-sama po tayo bukas!

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa isang makabuluhang programa para sa pagdugtong ng buhay ng ating mga kababayan sa Patnanungan.

🩸 Blood Donation Program
πŸ“… July 16 (Thursday)
πŸ•– 7:00 AM – 1:00 PM
πŸ“ Patnanungan Sports Complex

Isang donasyon ng dugo, maraming buhay ang matutulungan. Kita-kits po tayo.

Maraming salamat po

Another achievement for Patnanungan ❀️The Patnanungan Primary Care Facility is now officially recognized as a Certified ...
13/07/2026

Another achievement for Patnanungan ❀️

The Patnanungan Primary Care Facility is now officially recognized as a Certified Adolescent Friendly Health Facility– Level I, isang hakbang upang mas mapalapit at mapalakas ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat kabataang Patnanungan.

Simple lang ang aming layunin, ipakita sa ating mga adolescents na ang RHU ay hindi lamang para sa check-up kapag may sakit. Nandito rin kami upang makinig, magbigay ng tamang payo at counseling, maging gabay sa mahahalagang desisyon, at tiyaking mayroon silang ligtas, at walang diskriminasyong klase ng facility kung saan maaari silang magtanong, magbahagi ng kanilang mga nararamdaman, at humingi ng tulong nang may buong kumpiyansa at paggalang.

Our healthcare team is trained to provide:
βœ… Mental Health Counseling
βœ… HIV Counseling and Testing
βœ… Prenatal Counseling
βœ… Reproductive Health Services
βœ… Nutrition Counseling
βœ… Health Education and other adolescent-friendly services

Patnanungan AFHF Clinic Schedule: Every Friday 1:00 PM – 3:00 PM

Magtulungan tayo para sa mas maayos na kalusugan at mas maliwanag na kinabukasan ng bawat kabataang Patnanungan

Noong nakaraang Abril, matagumpay tayong nagsagawa ng Blood Donation Activity kung saan 110 nating kababayan ang kusang-...
10/07/2026

Noong nakaraang Abril, matagumpay tayong nagsagawa ng Blood Donation Activity kung saan 110 nating kababayan ang kusang-loob na nagbigay ng dugo. Mula noon, marami na sa ating mga kababayan ang nabigyan ng libreng dugo sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon sa oras ng kanilang pangangailangan.

Ngayong Hulyo 16, 2026, muli tayong nag-aanyaya sa lahat ng kwalipikadong blood donors na makiisa sa ating Blood Donation Activity upang makatulong sa pagligtas ng mas marami pang buhay.

Ang gawaing ito ay pinangungunahan ng Patnanungan Primary Care Facility, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pamumuno ni Sir Rhoniel Pamatian, at ang Quezon Medical Center.

Lubos din kaming nagpapasalamat kay Mayor Claire A. Larita-Natividad sa kanyang patuloy na suporta sa ating Blood Donation Program at sa mga programang pangkalusugan para sa mamamayan ng Patnanungan.

πŸ“… Hulyo 16, 2026
πŸ“ Barangay Poblacion, Patnanungan Sports Complex

🩸

Kahapon ay isinagawa ang planning meeting sa Patnanungan PCF at Barangay Poblacion bilang paghahanda para sa nalalapit n...
09/07/2026

Kahapon ay isinagawa ang planning meeting sa Patnanungan PCF at Barangay Poblacion bilang paghahanda para sa nalalapit na Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) sa Patnanungan.

Pinangunahan ito ng mga kawani ng Patnanungan Primary Care Facility, kasama ang bagong na-deploy na HRH Vaccinator na si Nurse Marnel Aguilar.

Sa pagpupulong, tinalakay ang mga estratehiya upang mapalakas ang implementasyon ng MR-SIA, kabilang ang mga aktibidad na isasagawa, delegasyon ng mga gawain, at ang pakikipag-ugnayan sa bawat barangay upang matiyak ang maayos na koordinasyon at mataas na partisipasyon ng mga magulang at mga batang target ng programa.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng RHU at mga barangay, layunin nating maabot ang bawat batang nangangailangan ng proteksyon laban sa tigdas at rubella.



Welcome to Patnanungan Primary Care Facility, Dra. Machpella Culata de Jesus and Nurse Marnel Aguilar!We look forward to...
06/07/2026

Welcome to Patnanungan Primary Care Facility, Dra. Machpella Culata de Jesus and Nurse Marnel Aguilar!

We look forward to working with you both and building a strong partnership in serving the Patnanungan community. Wishing you all the best as you begin this new chapter with us.

We would like to thank Hon. Marie Claire A. Larita-Natividad and Ma’am Eileen Rutaquio for their support in requesting the deployment of additional Human Resources for Health to Patnanungan. We truly appreciate your support in helping us strengthen our healthcare team for the Patnanungan community.

Welcome to Patnanungan, Dra. Mafe and Nurse Marnel! ❀️❀️

πŸ“’ PAUNAWA SA PUBLIKO | CHIKITING LIGTAS 2026πŸ¦Έβ€β™€οΈ PROTEKTAHAN ANG IYONG CHIKITING! πŸ¦Έβ€β™‚οΈInaanyayahan ng Patnanungan Primar...
03/07/2026

πŸ“’ PAUNAWA SA PUBLIKO | CHIKITING LIGTAS 2026

πŸ¦Έβ€β™€οΈ PROTEKTAHAN ANG IYONG CHIKITING! πŸ¦Έβ€β™‚οΈ

Inaanyayahan ng Patnanungan Primary Care Facility ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak upang makilahok sa Measles-Rubella (MR) Supplemental Immunization Activity (SIA) na may LIBRENG Vitamin A Supplementation ngayong darating na Agosto 2026.

πŸ‘Ά Sino ang dapat mabakunahan?

Lahat ng batang 6 na buwan hanggang 59 na buwan (wala pang 5 taong gulang), anuman ang kanilang dating vaccination status.

πŸ’‰ LIBRENG SERBISYO:

βœ… Bakuna laban sa Measles-Rubella (MR)
βœ… Vitamin A Supplementation (ayon sa tamang dosis batay sa edad)

πŸ›‘οΈ Bakit mahalagang mabakunahan ang inyong anak?

βœ”οΈ Pinoprotektahan laban sa Tigdas (Measles) at Rubella (German Measles).
βœ”οΈ Nakakatulong maiwasan ang malubhang komplikasyon tulad ng pulmonya, impeksyon sa utak, pagkabulag, at maging kamatayan.
βœ”οΈ Nakakatulong mapigilan ang pagkalat ng tigdas sa ating komunidad.
βœ”οΈ Ang Vitamin A ay nagpapalakas ng resistensya at nakakatulong mabawasan ang panganib ng malubhang komplikasyon ng tigdas.

πŸ’š Ligtas. Libre. Mabisa.

🦸 CHIKITING LIGTAS, LIGTAS SA TIGDAS!
Dalhin ang inyong mga anak at sama-sama nating protektahan ang bawat batang Patnanungan.

30/06/2026

Ngayong araw ay magkakaroon ng LIBRENG prenatal check-up at ultrasound sa Patnanungan Primary Care Facility para sa mga buntis mula sa Barangay Poblacion at Barangay Norte.

πŸ“ Mangyaring dalhin ang mga sumusunod:
βœ… Mama Book
βœ… PhilHealth ID o Member Data Record (MDR)

Kung wala pang PhilHealth, magdala ng:
βœ… Birth Certificate
βœ… Isang (1) valid ID
βœ… Marriage Certificate (kung kasal)

Hinihikayat ang lahat ng buntis na samantalahin ang libreng serbisyong ito upang masubaybayan ang kalusugan ng ina at ng sanggol.

Maraming salamat at magkita-kita po tayo sa Patnanungan Primary Care Facility!

🌈 Isang makasaysayang araw para sa Patnanungan!Naganap ang kauna-unahang Pride Month Celebration sa ating bayan, na pina...
30/06/2026

🌈 Isang makasaysayang araw para sa Patnanungan!

Naganap ang kauna-unahang Pride Month Celebration sa ating bayan, na pinangunahan ng Patnanungan Primary Care Facility, bilang pagpapakita ng ating suporta sa pagkakapantay-pantay, paggalang, at pagtanggap sa bawat isa.

Bilang bahagi ng programa, isinagawa ang isang health awareness session tungkol sa HIV at STI awareness, isang advocacy campaign, at ang Pledge of Commitment bilang paninindigan para sa isang komunidad na walang stigma at diskriminasyon.

Ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagbuo ng isang mas inklusibo at mapagmalasakit na Patnanungan kung saan ang bawat isa ay may lugar, may boses, at may karapatang mabuhay nang may dignidad at paggalang.

Happy Pride! πŸ³οΈβ€πŸŒˆπŸ’™

Samahan po ninyo kami bukas sa pagdiriwang ng Pride Month sa kauna-unahang pagkakataon na pangungunahan ng Patnanungan P...
29/06/2026

Samahan po ninyo kami bukas sa pagdiriwang ng Pride Month sa kauna-unahang pagkakataon na pangungunahan ng Patnanungan Primary Care Facility! πŸ³οΈβ€πŸŒˆ

Magsisimula ang Pride March sa ganap na ika-6:00 ng umaga. Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa makasaysayang pagdiriwang na nagsusulong ng pagmamahal, pagkakapantay-pantay, at kalusugan para sa lahat.

Mga aktibidad:
1. HIV Awareness Campaign
2. Libreng pamamahagi ng condoms
3. Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa PrEP at PEP
4. Pamamahagi ng mga IEC materials tungkol sa HIV prevention at sexual health

πŸ“ Available din sa ating HIV Treatment Hub ang mga sumusunod na libreng serbisyo:
βœ”οΈ Anti-Retroviral Therapy (ART)
βœ”οΈ Pre-Exposure Prophylaxis (PrEP)
βœ”οΈ Post-Exposure Prophylaxis (PEP)

Lahat ng aming serbisyo ay ligtas, libre, kumpidensyal, at walang diskriminasyon.

🌈 Sama-sama nating ipagdiwang ang pagkakaiba-iba, palaganapin ang tamang kaalaman tungkol sa HIV, at wakasan ang stigma.

Kita-kits bukas, simula alas-6:00 ng umaga!

Patnanungan Primary Care Facility – HIV Treatment Hub

Address

Patnanungan

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Patnanungan Rural Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Patnanungan Rural Health Unit:

Shortcuts

Share