MNC - Pigcawayan

MNC - Pigcawayan This is the Official page of Nutrition Office of Pigcawayan, North Cotabato.

Operation Timbang Plus: Sulong sa KalusuganAng Operation Timbang Plus (OPT+) ay isang mandato ng National Nutrition Coun...
31/01/2026

Operation Timbang Plus: Sulong sa Kalusugan
Ang Operation Timbang Plus (OPT+) ay isang mandato ng National Nutrition Council (NNC) na naglalayong kunin ang timbang at taas ng mga batang edad 0-59 na buwan.

Sa ilalim ng pamumuno ni Asst. Sec. Azucena M. Dayanghirang, isinusulong ang digitalization ng mga datos na ito upang maging tumpak ang pagtukoy at pagbibigay ng mabilis na tulong o interbensyon ng gobyerno sa mga batang nangangailangan.

Layunin ng OPT+ na mapalakas ang ugnayan sa mga magulang sa pamamagitan
ng "Knocking on Doors" Theory, kung saan personal na binibisita ng mga Barangay Health Workers ang mga tahanan.

Sa paraang ito, masisiguro ang tumpak na sukat ng bata, mababawasan ang hiya ng pamilya sa paglapit sa health center, at makapagbibigay ng
mas angkop na payong pang-nutrisyon batay sa aktwal na pamumuhay ng pamilya.

Ang implementasyon ng Operation Timbang Plus sa bayan ng Pigcawayan ay dahil sa epektibong pamumuno ng National Nutrition Council (NNC) at masigasig na pagsubaybay ng Municipal Nutrition Committee (MNC) ng Pigcawayan at sa tulong ng
mga barangay officials gaya ng Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition
Scholar (BNS), Nurses, at Midwives.

Sa pagkakaisa ng local at pambansang
pamahalaan, tinitiyak ng programang ito na ang bawat bata ay mabibigyan ng tamang
interbensyon at malasakit upang sila ay lumaking malusog, malakas, at ma magandang
kinabukasan.

22/01/2026

Address

Pigcawayan, North Cotabato
Pigcawayan
9412

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MNC - Pigcawayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share