HRH - Pilar

Directions

HRH - Pilar HRH Pilar – DOH Health Advocates at RHU Pilar
🎗 Advocating for accessible, quality healthcare in every barangay. Grounded in service. Driven by compassion.

01/10/2026

𝗧𝗮𝗿𝗮 𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮!

Hatid ng Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD) katuwang ang Department of Education (DepEd) Regional Office V sa mga pampublikong paaralan ang 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗯𝗼𝗼𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗱𝗼𝘀𝗲𝘀 laban sa:

- Measles
- Rubella
- Tetanus
- Dipterya
- Human Papilloma Virus (HPV) at Cervical Cancer

Ihanda ang mga bata bago ang araw ng pagbabakuna—huwag kalimutang pirmahan ang kanilang consent form!

Ang mga bakunang ibibigay ay Ligtas, Epektibo at Libre.

Mag-uumpisa na ngayong Oktubre sa mga pampublikong paaralan. Agad nang kumilos at siguruhing mabakunahan ang inyong mga anak!





October Health Month Celebrations 2026 💚
01/10/2026

October Health Month Celebrations 2026 💚

Maging alerto! Maliit na lamok, malaking pinsala 🦟Magpatingin agad sa pinakamalapit na health center o ospital kapag nak...
29/09/2026

Maging alerto! Maliit na lamok, malaking pinsala 🦟

Magpatingin agad sa pinakamalapit na health center o ospital kapag nakaranas ng mga sintomas ng dengue.

Huwag nating hintaying may magkasakit. Umaksyon agad laban sa dengue! Gawin ang 5S at 4T laban sa dengue! Kung walang lamok, walang dengue! 🚫🦟

💉 SCHOOL-BASED IMMUNIZATION 2026Ngayong Oktubre 2026, isasagawa ng Rural Health Unit of Pilar, katuwang ang Department o...
28/09/2026

💉 SCHOOL-BASED IMMUNIZATION 2026

Ngayong Oktubre 2026, isasagawa ng Rural Health Unit of Pilar, katuwang ang Department of Health, Lokal na Pamahalaan, at mga paaralan, ang School-Based Immunization (SBI) Program upang makatulong na maprotektahan ang ating mga mag-aaral laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Magtulungan tayo upang matiyak na ang ating mga anak ay makatatanggap ng inirerekomendang mga bakuna—ligtas, libre, at epektibo sa mga kalahok na paaralan.

Protektahan ang ating mga mag-aaral. 💚
Para sa malusog na mag-aaral at komunidad.



LOOK | Mobile Blood Donation Activity 🩸The Rural Health Unit of Pilar, in partnership with BRBC and BLGU Catamlangan, su...
25/09/2026

LOOK | Mobile Blood Donation Activity 🩸

The Rural Health Unit of Pilar, in partnership with BRBC and BLGU Catamlangan, successfully conducted a Mobile Blood Donation Activity at Brgy. Catamlangan on September 24, 2026.

We extend our heartfelt gratitude to all volunteer blood donors whose generosity and selfless act of donating blood help save lives and give hope to patients in need.

Together, let us continue to promote a culture of voluntary blood donation and community solidarity.


DENGUE AWARENESS 🚫🦟RHU Pilar & HRH continues to conduct Information, Education and Communication (IEC) activities on Den...
18/09/2026

DENGUE AWARENESS 🚫🦟

RHU Pilar & HRH continues to conduct Information, Education and Communication (IEC) activities on Dengue Prevention and Control in different barangays of the Municipality of Pilar.

Residents are reminded of the Dengue 5S: Search and Destroy, Self-Protection, Seek Consultation, Support Fogging, and Sustain Hydration.

Together, let us strengthen dengue prevention and protect our communities.

OPLAN 4T KONTRA DENGUE 🚫🦟Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng Dengue, isinagawa ang Municipal-Wide Clean...
17/09/2026

OPLAN 4T KONTRA DENGUE 🚫🦟

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng Dengue, isinagawa ang Municipal-Wide Clean-Up Drive – Oplan 4T Kontra Dengue upang mapanatiling malinis ang ating mga komunidad at maiwasan ang pagdami ng lamok na nagdadala ng Dengue.

Isabuhay ang 4Ts: Taob, Taktak, Tuyo, Takip. Sama-sama nating linisin ang ating paligid at sugpuin ang mga posibleng pamugaran ng lamok.

Kalusugan at kaligtasan, sama-sama nating pangalagaan!

Oplan 4T Kontra Dengue 🚫🦟Sa patuloy na pagsisikap na maiwasan ang pagkalat ng dengue, kumilos ang Barangay Cabiguan sa p...
17/09/2026

Oplan 4T Kontra Dengue 🚫🦟

Sa patuloy na pagsisikap na maiwasan ang pagkalat ng dengue, kumilos ang Barangay Cabiguan sa pangunguna ng mga Brgy. Officials at HRH Kaycee, sa pamamagitan ng Oplan 4T Kontra Dengue.

Alas-kuwatro ng hapon, umalingawngaw ang Bandillo Alas 4—isang paalala sa bawat pamilya na oras na upang kumilos at magsagawa ng simpleng hakbang laban sa dengue. Kasunod nito, isinagawa ang Clean-Up Drive upang mahanap at alisin ang mga posibleng pinamumugaran ng lamok.

Sa pamamagitan ng 4Ts—Taob, Taktak, Tuyo, at Takip—sama-samang nilinis ang kapaligiran at inalis ang mga lalagyang maaaring pamahayan ng lamok.

16/09/2026

AKSYON BARANGAY KONTRA DENGUE — para sa ligtas, malinis at Dengue-Free na komunidad…

Maging Alerto!Narito ang mga impormasyon tungkol sa Dengue.Magpatingin agad sa pinakamalapit na health center o hospital...
16/09/2026

Maging Alerto!
Narito ang mga impormasyon tungkol sa Dengue.
Magpatingin agad sa pinakamalapit na health center o hospital kapag nakaranas ng mga sintomas ng dengue.

Upang maiwasan ang Dengue, mag 5S kontra Dengue.
Kung walang Lamok, walang Dengue!


Address

Pilar

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when HRH - Pilar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share