Nabuslot Health Station

Nabuslot Health Station Nabuslot Health Station

29/07/2025

Babala sa Publiko ‼️ Mag-ingat sa Paragonimiasis!

Mga kababayan, paalala po sa lahat na mag-ingat sa Paragonimiasis, isang uri ng sakit na maaaring makuha sa pagkain ng hilaw o hindi maayos na luto na freshwater crabs o freshwater shellfish tulad ng talangka at suso.

Ano ang Paragonimiasis?

Ang Paragonimiasis ay isang parasitic infection na dulot ng isang klase ng fluke worm na tinatawag na Paragonimus. Kadalasan, ang mga itlog ng parasite na ito ay naninirahan sa baga, kaya ang sakit na ito ay kilala rin bilang “lung fluke disease.”

Paano ito nakukuha?
• Sa pagkain ng hilaw o kulang sa lutong mga freshwater crab o shellfish.
• Karaniwan ito sa mga lugar kung saan nakagawian ang pagkain ng hilaw na talangka o suso, lalo na kung ito ay isinasawsaw lang sa s**a.

Ano ang mga sintomas?
• Paulit-ulit na pag-ubo (na minsan ay may kasamang dugo)
• Pananakit ng dibdib
• Lagnat
• Hirap sa paghinga
• Paghina ng katawan
Sa ilang kaso, ang parasite ay maaaring makarating sa utak at magdulot ng malubhang komplikasyon.

Paano ito maiiwasan?
• Iwasang kumain ng hilaw o hindi lutong talangka o suso.
• Siguraduhing maayos ang pagluluto ng mga seafood, lalo na ang mga freshwater shellfish.
• Panatilihing malinis ang pagkain at mga gamit sa kusina.
• Iwasan ang tradisyunal na pagkain na hindi dumadaan sa sapat na init tulad ng kinilaw gamit lang ang s**a.

Ano ang dapat gawin kung may sintomas?
• Kumonsulta agad sa pinakamalapit na health center o ospital para sa kaukulang pagsusuri at gamutan.
• Ang paragonimiasis ay nagagamot sa pamamagitan ng tamang gamot na inireseta ng doktor.

21/06/2025

🌟 GOOD NEWS MGA PINAMALEÑO! 🌟

May LIBRENG GAMOT po tayo para sa mga kababayan nating may mental health conditions — dito po mismo sa ating Municipal Health Office ng Pinamalayan!

Kung kayo po ay may updated na reseta mula sa inyong doktor, maaari na po kayong makakuha ng libreng gamot mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM - 5:00 PM sa ating Municipal Health Center.

🧠 Kasama sa mga libreng gamot ang mga para sa:
• Anxiety
• Depression
• Seizure disorders
• Psychotic conditions
• At iba pa (Depende sa reseta)

📌 Paalala:
Para sa karagdagang impormasyon o mga katanungan, magpadala lamang ng mensahe dito sa official page ng Municipal Health Office – Pinamalayan.

🤝 Sama-sama po nating palakasin ang suporta para sa mental health ng bawat Pinamaleño. Huwag mahiyang magtanong at humingi ng tulong — karapatan mong alagaan ang iyong kalusugang pangkaisipan!

MALUSOG NA KAISIPAN, KAYAMANAN NG PINAMALAYAN!




21/06/2025
21/06/2025
📣📣📣Province-Wide Nabuslot Clean-up Drive 06-20-2025Nakiisa ang ating barangay sa isinagawang 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐞-𝐖𝐢𝐝𝐞 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧-𝐔𝐩 𝐃𝐫𝐢𝐯...
20/06/2025

📣📣📣
Province-Wide Nabuslot Clean-up Drive
06-20-2025

Nakiisa ang ating barangay sa isinagawang 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐞-𝐖𝐢𝐝𝐞 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧-𝐔𝐩 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 ngayong araw para sa 𝑷𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍𝒂𝒘𝒂𝒏𝒈 𝒀𝒖𝒈𝒕𝒐 ng kampanyang "𝑫𝒂𝒈𝒅𝒂𝒈 𝑷𝒓𝒐𝒕𝒆𝒌𝒔𝒚𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒓𝒂 𝑰𝒘𝒂𝒔 𝑫𝒆𝒏𝒈𝒖𝒆!” 🚫🦟

Sama-samang nagtulungan ang mga bumubuo ng barangay sa mithiin na maiwasan ang pagkalat ng lamok na may dalang sakit na dengue.

Kaya naman patuloy ang pagpapaigting ng mga adbokasiya para sa isang mas malusog na komunidad para sa mamamayan!

Tandaan ang kalinisan ng paligid ay isang hakbang upang maiwasan ang mga sakit na pwedeng makuha sa maruming kapaligiran.

📣📣📣U-CURE Plus Program ||  Hunyo 10,2025Ngayong araw ay matagumpay na ginanap  ang programang U-CURE Plus, sa pangunguna...
10/06/2025

📣📣📣
U-CURE Plus Program ||
Hunyo 10,2025

Ngayong araw ay matagumpay na ginanap ang programang U-CURE Plus, sa pangunguna ni Dra. Niña Kristinne Punzalan.

Sa pamamagitan ng U-Cure Health Services Caravan na ginanap sa barangay Nabuslot at sa masigasig na pagtutulungan ng Municipal Health Office at DOH-HRH team kasama si Dra. Princess Morales, matagumpay na naihatid ang mga sumusunod na serbisyong pangkalusugan para sa nasabing barangay:

🩺 Konsultasyong medikal
🧪 Pagsusuri sa laboratoryo
💊 Pamimigay ng libreng gamot
📋 Pagpaparehistro at pag-a-update ng PhilHealth membership

Kasabay nito, layunin din ng aktibidad na mapalawig ang coverage at mas mapahusay ang profiling ng mga miyembro ng PhilHealth, bilang bahagi ng pagtitiyak na ang bawat mamamayan ay may akses sa tuloy-tuloy at libreng serbisyong pangkalusugan.

Lubos ang pasasalamat ng mga taga barangay Nabuslot sa bumubuo ng Municipal Health Office at pakikipagtulungan ng PhilHealth Konsulta Team, DSWD Pinamalayan, katuwang ang BHWs, BNS, Tanod at Sangguniang Barangay.

Sa kabuuan, umabot po sa mahigit sa 215 na mamamayan ang ating naserbisyuhan ngayong araw.

Sa patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, health office, at buong komunidad—tiyak ang pag-abot natin sa isang mas malusog na Pinamalayan! Basta't sama sama, kaya!

📢📢📢 ANNOUNCEMENT: 🎯 U-CURE Plus🎯 Nabuslot Covered Court🎯 June 10, 2025, 8AM to 11AMWelcome po ang lahat na makibahagi sa...
04/06/2025

📢📢📢 ANNOUNCEMENT:
🎯 U-CURE Plus
🎯 Nabuslot Covered Court
🎯 June 10, 2025, 8AM to 11AM

Welcome po ang lahat na makibahagi sa programa natin lalo na po sa mga nais magparegister sa Philhealth o mag-update ng kanilang Philhealth membership data. Kasama po natin sa gawaing ito ang PhilHealth Calapan, DSWD 4Ps Pinamalayan at MSWDO. Ito ay alinsunod po sa mandato ng ating Lokal na Pamahalaan na patuloy na ilapit sa ating mga kababayan ang iba't ibang serbisyong pangkalusugan.

🎯 Mga libreng serbisyo:
✅️ Philhealth new membership registration at updating ng Philhealth membership data
✅️ Check-up
✅️ Laboratory blood tests
✅️ Libreng gamot, maintenance at vitamins

🎯 Mga dokumento na kailangang dalhin para sa PHILHEALTH:
✅️PSA Birth Certificate xerox copy
✅️PSA Marriage Certificate xerox copy (kung kasal)

Serbisyong Angat Kabataan - Oplan Manhood05-16-2025"Oplan Manhood was successfully conducted at Barangay Nabuslot! It is...
17/05/2025

Serbisyong Angat Kabataan - Oplan Manhood
05-16-2025

"Oplan Manhood was successfully conducted at Barangay Nabuslot! It is a collaborative effort of Sangguniang Barangay down to Barangay Health Workers and Barangay Nutrition Scholar through the support of Municipal Health Office of Pinamalayan and intitiative of DOH - HRH Nurse to implement the activity which offers free circumcision (tuli) to our adolescents. It is a Filipino tradition and culture to be circumcised among young ones.

This will promote health and hygiene among boys, maturity and to boost their confidence. The program aims to provide safe, accessible - free circumcision services to our community and encourage better health practices. Maraming salamat sa mga sumuporta at nakilahok para maisakatuparan ang programang mag-aangat sa kalidad ng kalusugan sa komunidad."

📣📣📣
14/05/2025

📣📣📣

Address

Sitio Sta. Lucia Nabuslot
Pinamalayan
5208

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nabuslot Health Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share