05/10/2026
ALAM NIYO BA? Hindi lang 'yung mismong sakit ang tinitingnan ng Pediatrician. Hindi lang namin tinitingnan ang pangunahing reklamo, kundi ang buong katawan ng bata.
Sa bawat pedia check-up, mahalaga ang full physical examination—mula ulo hanggang paa.
Gaya ng isang 3-year-old patient na dinala sa clinic dahil sa pagsusuka. Sa buong pagsusuri, nagkaroon kami ng incidental finding: may foreign body pala na nakasaksak sa kanyang ilong! Buti na lang at hindi siya nahirapang huminga. Hindi alam ni mami at dadi na may pinasok sa ilong si bunso, at hindi din alam kung kelan pa ito.
Narefer nmn ntn agad sa ENT at natanggal din agad at bute wala pang naging infection sa loob.
PAALALA SA MGA MAGULANG:
Exploring Stage: Sa edad na ito, napaka-kuryoso ng mga bata.
Ingat sa Maliliit na Bagay: Hanggat may butas (ilong, tainga, bibig) at may kasya, pwedeng-pwede nila itong ipasok nang hindi natin namamalayan!
Maging Mapanuri: Laging suriin ang mga laruan at siguraduhing walang maliliit na parteng pwedeng matanggal (beads, button batteries, maliliit na plastic).